01/06/2025
STRESS ISN’T JUST IN YOUR HEAD—IT AFFECTS YOUR WHOLE BODY‼️
Kapag palagi kang stress o balisa, hindi lang emosyon ang naaapektuhan—pati katawan mo sumasabay. Baka napapansin mong mas mabilis ang tibok ng puso mo, madalas ang sakit ng ulo, may acid reflux ka, o hirap ka nang makatulog. Minsan pa, nagkakaroon ka ng tigyawat o iba pang skin problems dahil sa sobrang pressure. ‘Wag mong balewalain—these are your body’s way of saying: “Pahinga naman.”
PAUSE. BREATHE. LISTEN TO YOUR BODY. Okay lang bumagal. Hindi ka tamad kapag nagpapahinga ka—lalo na kung ramdam mo na yung pagod. Maglaan ka ng oras para sa sarili mo—kahit simpleng lakad, deep breathing, o power nap lang. Malaking bagay ‘yan sa mental at physical health mo.
SELF-CARE ISN’T A LUXURY. IT’S A LIFELINE. Hindi mo kailangang kayanin lahat mag-isa. Reach out. Kausapin mo yung taong pinagkakatiwalaan mo. Minsan, ang simpleng pag-share ng nararamdaman mo, gumagaan na ang bigat. May mga taong handang makinig at umalalay—hayaan mong tulungan ka nila.
KAYA ‘WAG MONG KALIMUTAN ANG SARILI MO.
Be gentle with yourself. You deserve rest, healing, and love. Productivity is good, pero ang kalusugan mo—mas mahalaga ‘yan. 💕
Dr. Kilimanguru