21/07/2023
THE CLOSET IS FULL
_____________________
Mahilig sa damit si RoseAnn (kapatid kong bunso).
Nung dalaga pa sya, halos wala akong sariling damit. Lahat hinihiram ko lang sa kanya. Haha.
Kaya nung bumukod na sila ng bahay.. (si RoseAnn at Asawa nyang si Justin, at ang Pogi kong pamangkin na si Orange) .. I was left with an empty closet.
(Di naman talaga empty. Pero parang ganun na nga. Haha.)
I hardly buy my own clothes.
The only ones that I actually own are hand me downs, galing sa iba, regalo o kaya talagang binili ko (which are very few..)
So ngayon, kapag may extra pera at need ko talaga, bumibili na ako ng sarili kong damit. kaya mejo napupuno ko na ung sarili kong damitan.
Tas kanina, nakita ko ung mga bagong labang damit ni Nanay at andun ung madalas kong sinusuot na pambahay. At dahil antok na antok na ako, un nalang ang sinuot ko at nagprepare na akong matulog.
Naisip ko lang, sayang yung mga damit sa damitan na hindi ko na napapansin.
Sayang yung ibang pambahay na pwede ko din naman isuot, pero dahil andito na 'tong bagong labang damit, eto nalang ulit.
---
Blessings.
Naisip nyo din bang andami nating blessings na anjan lang naman pero madalas ay hindi natin napapansin?
Nagpapasalamat tayo sa mga blessings na palagi nating nakikita at nararanasan, gaya ng pagkain sa ating hapag kainan, sweldo, pag niresolve ni Lord ung problema nating matagal na nating pinoproblema. Yan, ambilis nating magThank you.
Pero kumusta naman ung mga blessings na tine-take natin for granted? Mga blessings na anjan lang sa tabi-tabi at ndi natin napagpapasalamat madalas.
Tulad ng buhay.
The fact that your heart is beating right now and you're able to read this article is a blessing that we don't usually give thanks for.
Diba?
Normal lang naman kase huminga, bat pa kelangan magthank you?
---
Sabi ng isang nabasa ko,
"A dying man on a hospital bed would give up everything that he has for one last chance of life."
(Tapos ikaw, puyat ka ng puyat kakahintay sa reply ng crush mong wala ka namang chance. Hehe.)
Yes, be thankful for ALL the blessings that you have. But don't forget to thank about LIFE itself.
Pansinin mo ang buhay.
Give it a chance.
Appreciate it.
Breathe, my mahal.