01/10/2020
GAANO KAHIRAP MAGING LIVE SELLER?
I notice na maraming online live sellers na nabobogus/joyjoy ung mga product nila. Maraming hindi alam ang ating mga mamimili sa mga pinagdadaanan natin mga live sellers bago tayo kumita.
1. Kailangan namin maglaan ng oras sa paghahanda ng aming mga ipapakitang produkto sainyo. May mga seller na nilalabhan at pinaplantsa pa ang kanilang mga produkto bago ipakita sa live para maging kaaya aya sa inyong mga mata.Hindi lang oras sa paghahanda kundi kailangan din namin maglaan ng oras sa pagharap sainyo, pagpapakita ng produkto at pagsagot sa mga katanungan ninyo.
2. LOAD siguro maliit lang na bagay sa iba. Pero sa mga live seller malaking halaga na. Dahil ilang produkto muna ang kailangang maibenta para makapagpaload. Tubo na sana, pero kailangan mag load para makapag live. Hindi lahat may wifi.
3. PAGOD pisikal at mental. Nakakapagod po lalo na sa mga Ukay sellers na paulit ulit magtupi/magligpit ng mga paninda pagtapos ipakita sa live. Pagod sa pag sales talk pag isip ng paraan para makabenta. Pagtapos ng live
✅LIGPIT NG MGA HINDI NA MINE
✅SORT NG MGA NA MINE
✅PM SA MGA MINERS
✅INVOICE
✅SHIPPING
OH DIBA? Tapos ung ibang mga nagmine hindi pa mahagilap 😑 Ending Bogus Buyer pala 😑
Ang HIRAP maging LIVE SELLER. Madalas nalilipasan ng kain dahil sayang kapag madaming viewers na nag aabang.
Madaming effort pero di ganun kalaki ang kita lalo na pag madaming BOGUS BUYER 😔
KAYA PLEASE!
NAGHAHANAP BUHAY PO KAMI, HINDI NAKIKIPAGLARO. LAHAT NG GINAGAWA NAMIN KATUMBAS NUN AY KAKARAMPOT NA KINIKITA NAMIN SA BAWAT PRODUKTONG BINIBILI NINYO.
GIVE AND TAKE PO TAYO.
WE SELL, YOU BUY‼️
WE VALUE CUSTOMERS, BUT PLEASE GIVE VALUE TO SELLERS TOO.
PLEASE SHARE.