24/07/2021
Refresh muna tayo mga sis 😊 See you 🔜 💖 keep safe everyone 🤗
Napansin ko, ang daming online sellers na biglang nawawala. I mean, nag lalie-low. Biglang hindi mo na sila nakikita na dumadaan sa wall mo. Weeks, months. Tapos makikita mo nalang, magpopost sila ng "I'm back!" then meron din ako mga nakikitang posts na "kaya nakakasawa nadin eh." "kaya nakakapagod nadin talaga."
Nakakalungkot 'to. Yes po! Kahit kaming mga online seller, dumadating din talaga sa panahon na pinang hihinaan na ng loob. Panahon na gusto ng isuko lahat ng naumpisahan at pinag hirapan sa linya na 'to.
And that's valid! Minsan kase, kailangan din naten mag refresh. And clear our thoughts. Kung, ito ba talaga gusto namin tahakin na hanapuhay. Kung para dito ba talaga kami, Pero in the end of the day walang sumusumo.
Maraming struggles sa negosyo. Maliit man yan o malaki. Kung titignan, parang ang dali lang ng buhay online seller. Madaling tignan sa paraan na nakikita niyo na puro positive thoughts, puro sold items. Puro winning situations.
Pero you'll never know, yung pagod, rejections, tumal, pagkalugi, down moments, Lahat ng problema sa likod ng magaganda naming ngiti sa tuwing nagppost kami na hindi nakikita ng iba, lahat ng behind the scenes na sobrang hahangaan mo talaga gaano pala ka-tyaga at katatag ang mga tao sa likod ng ONLINE SELLING BUSINESSES.
SOBRANG PROUD AKO SA LAHAT NG ONLINE SELLER! AS IN! MATAAS ANG RESPETO KO SAINYO MGA "SIS & BRO" ♥️
Sa mga taong may mahabang pasensya at gumabay sakin nung mga panahong nagkamali ako, Maraming salamat po sainyo 🙌🏻🤍
EVERYONE DESERVES A GREAT SUCCESS. WAG TAYO MAGMADALI. MAY KANYA KANYA TAYONG PANAHON. ❤️
ANG MAHALAGA, NAGPAPATULOY KA, DIBA 🥰
Ctto, Super relate 🙌🏻