16/09/2026
📌Basaaa sa mga laging nagpapa abot ng payment reminder samin❗️Be responsible mga ante kasi nagpapaikot lang kami kaya pag naniningil kami hindi yung ikaw pa galit na need namin magexplain pa kung bakit need mu na magbayad!
Pay on time kasi may mga due date din kami!
Dahil jan simula nanaman kami mag payment reminder ngayon.
a quick reminder on why following payment schedules means so much to online sellers, at kung bakit nga ba mahalaga ang “₱50, ₱100, ₱200, ₱300, ₱400+ na yan”. ❗️
first of all, kahit gano pa kalaki o kaliit na halaga yan, kailangan mong bayaran kasi nag-mine o bumili ka. let's be responsible sa mga orders natin. 🫱🏻🫲🏼
pangalawa, hindi lang siya “barya.” kahit gano pa yan kaliit, dyan nanggagaling ang pang-sahod sa staff, pambaon, pambayad ng bills, at pambili ng packaging supplies para magtuloy-tuloy ang small business.
pangatlo, pag pinagsama-sama kasi yan, malaking halaga rin yan. ang pinaka-crucial sa online business, naaapektuhan ang buong cash flow namin kapag nade-delay ang sales nang dahil lang sa mga bogus, late payers, at joy reservers. hindi ito katulad ng regular salary na iwi-withdraw mo na lang, at hindi rin ito tulad ng physical store na abutan agad ng bayad. 🥲
pang-apat, naha-hang ang puhunan namin. habang nakatengga ang reservation niyo nang walang payment, hindi rin namin mapapaikot ang capital para makapag-restock ng new items.
lastly, heavy effort at time ang nire-respeto natin dito. mula sa pag-sort, pag-steam, pag-picture, hanggang sa pag-pack at pag-drop off ng parcels, pinaglaanan yan ng oras at pagod. and yes, hindi lang talaga yung tinda namin ang binabayaran ninyo.
kung hindi pa pala ready o wala pang pambayad, please 'wag muna mag-mine o bumili. 🙏🏼 let’s all be accountable here, mahirap na ang buhay, 'wag niyo nang mas pahirapin pa lalo.
respect for small business owners. ayan, libre lang 'yan, walang bayad hehe. 😉🤍