05/06/2026
Mahal ko ang Pilipinas.
Pero ang gugulo ng politiko.
Mga congressman, mga senator, Presidente, VP
Ombudsman, Secretaries.
Lahat naman kayo parepareho.
Ang dadamot nyo!
Yung mga Ordinaryong Pilipino hirap na hirap.
Mga daan, Tren, Public transport, sahod wala. Pinabayaan nyo.
Gusto nyo kayo lang yumaman.
Minsan ako napunta sa Bahay ng Politiko sa Probinsya.
Nalula ako kasi Sobrang yaman nya.
As in 50 sports Car nasa Parking nya.
Tapos paglabas ko sa bayan niya ang daming nanglilimos at mga gutom.
Wala naman na tayo magagawa diba?
Bawal na din mag salita.
Baka makasuhan kapa.
Walang kulay kulay. Future lang ng pilipinas ang usapan natin dito. Pero wala e. Pinoy tayo talangkaan unahan pataas bahala na may maapakan.
Totoo naman na pag unlad ng tao wala sa Gobyerno pero pano kung gobyerno na mismo nag nanakaw sayo? Sa tax mo, sa karapatan mo?
-Masisisi mo ba ang pilipino kung umalis na sila at mag ibang bansang ito?
Maghanap ng bagong buhay na tahimik at payapa. Ung may tax pero nakikita kung saan napupunta?
Yung makakatulog ka ng safe at hindi nangangamba sa future ng pamilya mo.
Mahal ko ang pilipinas. Tulad mo. Pero minsan sobra na at ayaw mo nadin makialam sa gulo nila.
Kaya maghahanap ka ng Plan B. plan C.
Kung saan mabubuhay ka ng mas maayos kesa sa sitwasyon mo ngayon.
Ps. - Payat ko jan ah π€£