26/05/2021
IBA'T IBANG URI NG ONLINE SELLER ❤️
1. SELFIE SELLER
Tinderang mas madami ang selfie kesa paninda sa timeline.
2. SHY CAM Seller
Tinderang bihira magpakita ng mukha sa timeline.
3. WARRIOR SELLER
Tinderang laging may kaaway, mula buyer hanggang reseller inaaway.
4. TESTER SELLER
Tinderang lahat ng products eh sinubukan nya muna bago nya ibenta.
5. JACK OF ALL TRADE SELLER
Tinderang lahat na ng pwedeng ibenta pinopost na sa timeline.
6. NINJA SELLER
Tinderang palihim mang agaw ng resellers ng iba.
7. HUGOTERANG SELLER
Tinderang buhay pag-ibig nya na ang nasa timeline. Open book mga Sis.
8. FAIR WEATHER SELLER
Tinderang active lang online kapag gipit na gipit lang.
9. INFLUENCER SELLER
Tinderang malakas ang appeal, kahit anong gawin nya ginagaya ng ibang sellers.
10. BEST IN CUSTOMER SERVICE SELLER
Tinderang professional kausap sa chat at meet up.
11. CELEBRITY SELLER
Mga Celebrity or Artista na naglalive selling na para may dagdag kita.
12. TIKTOKERIST SELLER
Sumikat sa TikTok then nag online business..sa tiktok na din nagbebenta.
Alin kayo jan ka Negosyo?😃😜