08/05/2025
Minamahal na mga Kapatid sa Iglesia ni Cristo,
Pagbati ng Kapayapaan at Pagmamahal!
Nais ko pong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa inyong muling pagtitiwala at pag-endorso sa akin bilang isa sa mga kandidato para Konsehal ng Bayan ng Candelaria, Quezon sa darating na Halalan 2025.
Lubos ang aking kasiyahan at pasasalamat, pati na rin ng aking pamilya, sa inyong walang-sawang paggabay, suporta, at pananalig sa aking kakayahan at layunin na maglingkod nang tapat sa ating bayan. Isa po itong napakalaking biyaya na lalong nagpapalakas sa aking loob na ipagpatuloy ang paglilingkod ng buong puso at may malasakit.
Asahan po ninyo na bawat boto ng kapatiran ay aking tutumbasan ng taos-pusong katapatan, kahusayan, at malinis na paglilingkod—hindi lamang para sa aking mga kababayan, kundi para rin sa buong kapatiran na nagbigay sa akin ng tiwala.
Muli, taos-puso po akong nagpapasalamat.
Lubos na gumagalang,
Anatalia D. Atienza
“Teacher ng Bayan”
Konsehal, Bayan ng Candelaria 🧡💙