14/02/2026
LONG POST AHEAD
𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐑𝐀𝐏 𝐌𝐀𝐆𝐍𝐄𝐆𝐎𝐒𝐘𝐎.
As in.
Hindi siya “start today, yaman tomorrow.”
Hindi siya “post ka lang tapos sold out agad.”
At lalo hindi siya para sa mga madaling mapagod.
Minsan, ikaw ang taga-bili.
Ikaw ang taga-deliver.
Ikaw ang taga-inventory.
Ikaw ang taga-sagot sa customers na “PM sent?” kahit naka-post na lahat sa caption.
At eto pa yung masakit:
‘Di lahat ng taong close sa’yo susuporta.
Minsan pa, sila pa yung unang magsasabi ng
“Sure ka d’yan?”
“Baka malugi ka.”
“Kapagod kaya ’yan.”
And here’s the twist:
Habang sila, busy magduda…
may mga stranger na bumibili, nagte-thank you, nagre-repeat order, at nagbabasa ng story mo kahit di ka nila kilala.
Kasi ganito talaga negosyo:
• Hindi siya para sa maarte.
• Hindi siya para sa “ayoko na pagod na ako.”
• Hindi siya para sa “baka mapahiya ako.”
• Hindi siya para sa naghihintay ng perfect timing.
Negosyo = resiliency + kapal ng mukha + dasal + sipag na hindi humihingi ng validation.
Kaya if right now pagod ka, drained, frustrated, at gusto mong sumuko…
normal ’yan.
Pero tandaan mo ’to:
Kung madali magnegosyo, matagal nang puno ng mayaman ang Pilipinas.
Pero hindi.
Kasi kakaunti lang ang may tapang tulad mo.
Keep going.
Hindi ka pa tapos — nagsisimula ka pa lang dumiskarte.
ctto