Horror story totoo

Horror story totoo Llll

31/01/2021

TIPA
Isinulat ni Ayenn at Alex Asc

ISANG malutong na halakhak ang pumuno sa magarang silid ni Macoy. Nasa k**ay niya ang inaasam-asam. Salapi, babae, sasakyan, mansyon at kapangyarihan.

--SA bawat pagtipa, kasikata'y taglay ngunit kapalit nito'y pagbulusok sa hukay--

Mga katagang naririnig ni Macoy sa gitna ng kaniyang pagtulog. Isang nakakakilabot na mga panaghoy, iyakan, palahaw, at boses na tila naghihirap bago malagutan ng hininga.

Binabangungot siya!

Unti-unting gumagapang ang kilabot sa katauhan ng binata. Nakakasindak na mga pigura na animo'y pinagkaitan nang pagkakataong mabuhay. Namamatay sila sa 'di malamang dahilan. Pagk**atay sa pinak**alagim na paraan!

"Macoy..."

"Macoy..."

Tawag ng mga boses mula sa kung saan.

"Bumangon ka at 'yong pagmasdan ang bunga ng 'yong kasakiman. Nakakasuklam ang 'yong pagkaganid sa makamundong pagnanasa." Sabay-sabay na sambit ng mga anino sa limbo nang kawalan.

Biglang umalingasaw ang nakakasulasok na amoy na galing sa kung saan. Nanunuot ito sa ilong ni Macoy.

Kaya bigla siyang napabangon at habol-habol ang hininga.

"S**t... what the f**k! That stinky smell!" napamura ito sa inis.

Binuhay niya ang lampshade dahil gusto niyang magpunta ng banyo.

Sa medyo naiidlip pang diwa, bigla siyang napahumindig!

Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata sa nabungaran. Mga bangkay na nakalutang sa ere!

"Macoy... do you remember me? It's me Jun, your bestfriend..."

Isang lalaking nakausli ang mga buto sa mga tuhod. Bali ang mga braso at may lumalabas na dugo sa bunganga niya.

"How about me, Macoy... still remember me? Christian, your coach sa basketball..." Isang may edad ng lalaki. May tama ng baril sa sintido nito dahilan upang halos lumuwa ang mga mata niya at lumabas ang mga utak.

"Hi, there Macoy... it's me, Nitz, your girlfriend." Malungkot na nakatitig sa binata ang dating magandang mukha ng katipan. Tanging saksi sa onsehan sa isang negosyong illegal kaya pinaslang nang walang awa. Nilasog-lasog nang bugbog at saksak ang buo niyang katawan pagkatapos itapon sa bangin.

"Macoy.... Carol, here your childhood friend until now." Isang babaeng buntis na halos lumuwa ang mga mata sa sindak. Tinamaan ito ng rumaragasang motor na minamaneho ni Jun. Tatawid na sana ito sa kabilang kalye upang bumili ng ulam ngunit nawalan ng preno si Jun sa minamanehong motor kaya dumiretso ito sa kinaroroonan ni Carol.

Kapwa sila tumilapon sa isang mataas na tulay dahilan upang sila'y masawi.

Habang si Nitz ay may lihim na pagtingin sa coach nina Macoy na si Christian. Nagkaroon sila nang bawal na relasyon na kalauna'y nalaman din ni Macoy. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Christian ay may mga illegal na business. Isang araw ginawa niyang taga-deliver ng mga epektos si Nitz lingid sa kaalaman ng dalaga. Ngunit nabulilyaso ito at nagkaroon ng onsehan at traydoran.

Pumanig pala si Christian sa kalabang grupo ngunit nasawi pa rin siya. Putukan. Maraming nasawi! Kabilang na si Nitz-isang inosente! Ngunit pinahirapan muna siya nang husto bago kinitilan ng buhay. Ginahasa ang dalaga kahit ito ay naghihingalo na.

"Macoy... Macoy... halika at samahan mo kami sa isang nakakasindak na sitwasyon," tawag ng mga nakalutang na bangkay sa ere. Ang mga boses ay sobrang nakakatakot, nakakasindak, nakakarimarim at amoy na nakakasulasok!

Halos lumubo ng tatlong beses ang ulo ni Macoy sa takot.

"Hindi... Huwag! Layuan niyo ako..."

Ang sanggol sa sinapupunan ni Carol ay unti-unting gumagapang papunta sa kinaroroonan ni Macoy. Nakakakilabot ang mukha. Isa itong tiyanak!

"Ikkk... Ikkk...." hagikhik ng sanggol sabay lundag sa leeg ni Macoy.

"Hindi!!!"

Nahulog si Macoy sa kaniyang k**a habang hawak-hawak ang leeg. Pilit niyang inaalis ang maliliit na k**ay dito habang nagkakawag.

Nahimasmasan siya nang mauntog ang kaniyang ulo sa gilid ng k**a. Hapong-hapo siyang tumayo at napaupo sa gilid nito. Agad niyang binuhay ang lampshade.

"Nightmare!" sigaw ng kaniyang isipan.

Nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Mabilis ang bawat pintig ng kanyang puso. Napabuga siya nang hangin. Ipinilig ang ulo at hinimas-himas ang kumikirot na sintido.

Tumayo siya at lumabas ng kwarto upang magtungo sa kusina. Uminom siya ng tubig upang gumaan ang kaniyang pakiramdam.

Pabalik na sana siya sa kaniyang silid nang biglang nahapit ng kaniyang paningin ang nakabukas na computer room, kung saan dito niya ginugol ang kaniyang oras upang gumawa ng mga manuscripts. Ang manuscripts na nagpapayaman sa kaniya nang husto. Makalipas ang maraming kabiguan sa buhay dahil makailang ulit na siyang nagpasa ng kaniyang mga akda sa mga Publishing ay palaging hindi tinatanggap.

Katanyagan na ang tinatamasa niya sa loob lamang ng isang taon. Kasama ang isang lumang Typewriter. Sa bawat pagtipa niya sa naturang Typewriter ay ibayong sarap ang kaniyang nararamdaman. Lumilikha nang kakaibang kuwento ang kaniyang imahinasyon, nakakasindak! Nakakakilabot!

Ipinasa niya ito sa isang sikat na Publishing at agad itong na-approved. Inilabas sa mga Stores nationwide at sa hindi malamang dahilan ay nagkandarapa ang mga taong bumili ng kopya ng naturang aklat.

Ang Typewriter na ibenenta sa kanya ng isang matandang pulubi noong halos mawalan na siya nang pag-asa pang maging isang sikat na manunulat.

Nakatambay siya noon sa isang upuan sa isang park. Habang pinapasadahan ang ni-reject na manuscripts. Nilamukos niya ito nang biglang may lumapit sa kanya.

Isang matandang lalaking gusgusin habang kumakain ng papaya. Lumapit ito sa kaniya at inalok siya pero lumingon lamang siyang galit ang nakaguhit sa mukha.

Ganoon pa man, ay hindi umalis ang lalaking iyon.

"Amang... bilhin mo ang lumang Typewriter na ito dahil magiging sagot ito sa lahat nang 'yong mga hinaing."

Matamang tinitigan ni Macoy ang Typewriter pagkuwa'y wala sa loob na binili ito, dahil tila may kung anong nag-udyok sa kanya.

Ngunit kabilin-bilinan ng matanda na huwag itong abusuhin at mag-iingat sa bawat tauhan sa kanyang mga isusulat na kuwento. Dahil ang bawat karakter ay magiging katotohanan na siyang magdudulot nang lagim at katapusan.

*****************

Lunes nang umaga no'n, nang buksan niya ang TV. Bumungad sa kaniya agad ang Headline sa News tungkol sa aksidenting naganap. Tumilapon sa tulay ang motorsiklo at ang babaeng nabangga no'n. Patay ang dalawa at iyon ang kaniyang bestfriend na si Jun at kababatang buntis na si Carol.

Nagulat siya't kinilabutan sa naganap. Dahil ang dalawa'y kapwa malapit sa kaniya ngunit hindi magkakilala. Napakamot siya sa ulo nang matapos ang balitang iyon.

Aniya, marahil nagkataon lang na sabay na namatay sa iisang pangyayari ang dalawa. Pero labis siyang naaawa sa kanila. Akmang tatawagan niya ang kapatid ni Jun nang mahinto na naman siya dahil sa kasunod na balita. May isang drug syndicate umanong ni-raid. Pinagbabaril ng mga pulis ang mga iyon at sa hindi maipaliwanag ni Macoy na pangyayari ay namatay doon ang kaniyang Coach na si Christian at ang girlfriend na si Nitz. Nagimbal siya sa nabalitaang ikinasawi nila pero hindi siya makapaniwalang sabay din silang namatay.

Kinabahan siya at napaiyak. Nagkataon nga lang ba ang mga nangyari? Kung bakit ang apat na malalapit sa kaniya ay kapwa namatay ng araw na iyon. Kaya pala napanaginipan niya ang mga iyon. Ngunit bakit kaya sila nag-iiyakan at galit na galit sa kaniya?

Matapos siyang tumawag sa mga k**ag-anak ng mga iyon ay pasalampak siyang nanlumo sa k**a. Napadako ang tingin niya sa isa sa kaniyang libro. Sumagi sa isipan niya ang ilang kakilala niyang tauhan sa kuwentong iyon. Tapos ay bigla niyang natandaan ang sabi ng lalaking nagbenta sa kaniya ng Typewriter.

Halos mapatalon siya nang maalalang ang ikinamatay nila ay ganoon din sa kaniyang isinulat. Nanginig ang buo niyang sistema at naglandas ang mga luha.

Ngayon, batid na niyang siya ang may kasalanan. Ngunit may kaunting pag-aalanganin pa rin siya, dahil baka nagkataon lamang iyon.

Tulog siya nang mga sandaling ito, habang muli napapanaginipan niya ang mga eksena at ang magkatulad na pangyayari. Nag-iiyakan at sinisisi siya sa kanilang k**atayan. Napabalikwas at hingal na hingal si Macoy.

Hinawakan niya ang libro at napalingon na naman sa Typewriter.

"Hindi kaya may sumpa ang Typewriter na iyon?" aniya sa sarili. Dumako ang tingin niya sa isa pang aklat na kababalaghan. Binuklat niya't agad tumuon ang tingin sa pangalan ng isang tauhan. 'Ang malagim na pagpapak**atay ng kaniyang kapatid'.

Dali-dali siyang tumawag sa numero ng kapatid pero hindi sinasagot nito ang tawag. Bumaba agad si Macoy at pinaandar ang sasakyan patungo sa Dorm ng kapatid. Naabutan niyang nag-iiyakan ang mga ka-room-mate nito. Nagbigti umano ang kaniyang kapatid.

Natumba si Macoy sa sama nang loob at nawalan nang malay. Nagising siya katabi na ng mga magulang niya. Itinanong agad niya ang kaniyang kapatid at kinomperma nilang patay na iyon.

Labis ang pagsisisi ni Macoy. Oo, nagalit siya sa kanila kaya lihim niyang ginawang tauhan sa mga nakakatakot niyang kuwento ang mga iyon, subalit hindi naman niya akalaing magkakatotoo ang bawat eksena na kaniyang nilikha.

Pinunit niya ang mga librong nagpayaman sa kaniya. Lahat ng koleksyon niya sa loob ng pamamahay niya ay pinagsisira niya. Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa Typewriter. Nilapitan niya iyon at sinuri.

"May demonyo ba sa bagay na ito?" sambit niya. Binuhat niya at ibinagsak nang malakas. Sa lakas nang pagkakabagsak ay tumilapon pa ang ibang bahagi ng naturang Typewriter.

Tinawagan ni Macoy ang mga Publishing. Nais niyang ipa-cancel ang mga stories niya. Ayaw na niyang ipabenta sa mga Bookstore at ayaw na niyang maglunsad nang panibagong kopya. Pero tinanggihan siya ng mga iyon.

Napalingon si Macoy sa Typewriter na natapon sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya, sapagkat nabuo muli ito at ni walang gasgas. Walang kasama sa bahay si Macoy kaya't imposibling may umayos nito.

Dahil sa galit niya ay naisipan niya ang lalaking nagbigay sa kaniya ng Typewriter. Nais niyang hanapin iyon. Nais niyang pagbayarin sa ginawa nito sa kaniya.

Tinungo niya ang lugar kung saan sila nagkita. Natanaw ni Macoy na nakaupo ang matanda habang kumakain na naman ng papaya. Nanigas ang k**ao ni Macoy sa inis. Nagpapakasarap iyon samantalang siya ay nagdurusa. Dali-dali niyang nilapitan iyon. Napalingon naman ang lalaki. Lumapit pa si Macoy at kinuwelyuhan ang matanda!

"Umamin ka! May sa-demonyo ba ang Typewriter na iyon?!"

"Sandali! Bitawan mo ako! Hindi ako makahinga!" sagot ng matanda. Itinulak naman siya ni Macoy at bumalandra iyon sa upuan.

"Ano?!" Umaksyon nang sipa si Maccoy.

"Ang totoo, pagmamay-ari raw iyon ng isang lalaking may lahing mangkukulam. Nagpak**atay umano iyon at nag-iwan nang sumpa sa naturang Typewriter."

"Biktima rin ako. Sumikat ang mga akda ko ngunit lahat nang kakilala ko na ginawa kong tauhan ay puro namamatay ayon sa ibinigay ko na karakter. Kaya't dulot nang depresyon ay mag-isa na lamang ako't namumulubi ngayon sa buhay!" mahabang litanya ng lalaki.

"Paano mapuputol ang sumpa?" tanong ni Macoy.

"Mawawala lamang ang sumpa sa gumagamit nito kung maililipat ang Typewriter na iyon sa iba," seryosong tugon ng matanda.

Hinawakan ulit ni Macoy ang matanda at inaksyonan nang suntok. Hindi napigilan ni Macoy ang bugso nang galit kaya tumama ang k**ao niya sa mukha ng matanda. Binitawan ito ng binata kaya nagkaroon ito nang pagkakataong tumakbo papalayo.

Umuwi si Macoy sa mansyon. Balak niyang ibenta sa Antique Shop ang Typewriter. Ngunit naisip niya na hindi niya kayang magpasimuno muli nang lagim. Na marami na namang inosente ang mawawalan nang karapatang mabuhay dahil lamang sa pansariling kapakanan.

Makaraan lamang ang ilang araw ay inilunsad ang madaming kopya nang panibagong kuwento ni Macoy. Bentang-benta agad iyon sa mga Bookstores at Online-Selling.

Nakangiti siyang nakatitig sa salamin. Kitang-kita ng mga mata niya kung paano nagliyab ang Typewriter.

Nagtagumpay siya sa plano. Naniniwala siyang tuluyan nang nawala ang sumpa. Iyon ang isinulat niya sa panibago niyang kuwento. Ang tuluyang maging abo ang Typewriter at maglaho na ang sumpa.

Dinalaw niya ang libing ng mga biktimang siya ang may pakana. Masaya niyang ikinuwento ang pagkakaputol ng sumpa. Aniya, mabibigyan na raw ng hustisya ang kanilang k**atayan.

Malamig ang gabi ng mga sandaling ito, nang may mga pigurang unti-unting lumalapit kay Macoy. Nagulantang ang binata nang makalapit ang mga iyon.

Ang mga tauhan ng kaniyang kuwento, puro may hawak na patalim.

"Hinding-hindi kami matatahimik hangga't hindi ka namin naisasama sa hukay!" Sabay-sabay nilang sinaksak si Macoy.

WAKAS...

25/01/2021

Hello po sa Inyo
Lake na lang po

25/01/2021

Title : Dannes ( Ang prinsipe ng kahariang Adrika )

Author : Nanreh Badong

Ika apat na pahina.

Nagulangtang ang mag asawang Reyna at Hari ng kahariang Adrika ng marinig ang pag ihip ng tangguli na ibig sabihin may mga kaaway habang namamasyal sa garden na kong saan sa likuran ng palasyo at mayroon itong namataan na isang kawal na tumtakbong papunta sa kanila .

Pagkalapit ng kawal na tumakbo ay nagbigay itong pagpugay sa kanila Hari at Reyna.

" Mahal na Hari at Reyna , mayroon po kami namataan na mga kaaway na napakarami at patutungo dito sa palasyo ." Sabi ng kawal pagkatapos magbigay ng pugay o galang .

" Ah ! Saan nagmula ? "

" Sa hilaga po Mahal na Hari .."

" Ganoon ba ! Ipaabot mo sa lahat ng kawal na naroroon sa loob ng palasyo at labas , na maghanda sa mga paparating na mga kaaway ."

" Nakahanda na po kami , Mahal Hari at malapit na po ang mga Kaaway sa palasyo ."

" Malapit na ?"

" Opo Mahal Hari ." Tugong na sabi ng kawal at nagpaalam na ito sa Hari .

Pagkaalis ng kawal ay inutosan ng Hari ang mga kawal na nasa garden ng oras na iyon at ang mga damma na samahan ang Reyna patungo sa silid nito at hindi iiwan kahit anong mangyari. Pagkatapos umalis ng Reyna sa garden na kasama ang ilang mga kawal at mga Damma ay tinungo ng Hari ang bukana ng palasyo . Pagkadating nito sa may bukana ng palasyo ay nakita nito ang napakaraming mga kaawa na papunta ng palasyo at sinalubong ng mga kawal na palaso at sibat .

" Argh !

Tsuk ( tunog ng bawat tamaan ng mga palaso at sibat ng mga kawal sa mga kaaway .)

Kahit madami nang natatamaan sa mga kaaway ay patuloy parin sumosugod ang mga ito sa mga kawal ng kaharian ng Adrika at sa paglipas ng sandali ay nakarating din ang mga kaaway sa bukana ng palasyo na kong saan nandito ang karamihan na mga kawal ng palasyo at nagpalitan ng mga atake .

Samantala sila Dannes at Maileen ay nasa taas ng himpapawid na kong saan lumilipad si Dannes para ipakita nito ang kabuoan ng kagandahan ng kaharian Adrika at sa pag sulyap nito sa dako na kong saan malapit sa palasyo ay natanaw nito ang ilan pang mga kaaway na papasugod sa palasyo at parang langgam sa liit , pero napakarami ng mga kaaway .

" Anong nangyayari sa palasyo? Bakit maraming sumosugod dito ?" Takang tanong ni Dannes sa malayo na Kong saan sa taas ito ng himpapawid habang nakahawak sa kanya si Maileen.

"Bakit ? Dannes , Anong nangyayari sa inyong palasyo ? "

" Hindi ko alam Maileen , kong anong nangyayari doon At ating alamin kong ano ang nanyayari doon ?" Tugon na sabi Dannes at lumipad ito ng patutungo sa kanilang . Sa pagkalapit ni Dannes sa hindi kalayuan ng Palasyo ay napansin nito na ang mga sumosugod sa palasyo ay may mga hawak na espada at hindi niya kilala ang mga ito , malibang lang sa isa na talagang kilalang kilala niya .

" Kasama nila si Everset ." Bulong na sabi ni Dannes ng makilala nito si EVerset na kasama ng karamihan na sumosugod sa palasyo at habang nasa himpapawid pa siya lumilipad na hawak si Maileen.

Pagkakita ni Dannes Kay Everset at sa mga kasamahan nito na papagsugod sa palasyo ay doon nito napagtanto na sinosugod ng mga kaaway ang kanilang palasyo , kaya nagmadali itong ibaba si Maileen sa isang lugar na malayo sa kaharian upang puntahan ang palasyo at tulongan ang mga kawal sa pakikipaglaban sa mga kaaway na kapanig ni Everset at hindi pa niya alam na nakikipaglaban ang kanyang Amang Hari sa mga kaaway.

" Maileen , iiwan muna kita dito ." Sabi ni Dannes .

" Bakit ? Iiwan mo ako dito ."

" Tutulongan ko ang mga kawal sa pakikipaglaban sa mga kaaway at aalamin ko ang kalagayan nila Amang Hari at ni Inang Reyna. "

" Tutulongan mo ang mga kawal ninyo sa pakikipaglaban sa mga kaaway ?"

" Oo ! Bakit ? Maileen at aalamin ko ang kalagayan nila Amang Hari at Inang Reyna."

" Wala naman , sana Hindi ka mapahamak sa pagtulong mo sa mga kawal at sana maayos ang kalagayan ng iyong mga magulang ." Tugon na sabi ni Maileen at ngumiti lang sa kanya si Dannes at tuloyan na siya iniwan nito sa tabi na malayo sa palasyo.

" Mag iingat ka Dannes ! " Sigaw ni Maileen habang papalayo si Dannes at pagkarating nito sa palasyo ay binuhat nito ang isang kaaway at inihulog pababa na kong saan namatay . Paulit ulit na ginawa iyon ni Dannes na buhatin niya ang bawat isa na kalaban at ihulog .

" Napakarami pang mga kaaway na sumosugod sa palasyo at aking napapansin ay marami ng mga kawal ang napapaslang ng mga kaaway ." Bulong na sabi ni Dannes at pumasok ito ng palasyo para tingnang ang kalagayan ng mga magulang . Sa pagpasok nito ay napansin nito ang Kanyang Amang Hari na nakikipaglaban din sa mga kaaway at tinolungan niya ito sa pakikipaglaban na gamit ang mga sibat ng palasyo habang lumilipad .

" Salamat ! Anak ko ." Wika ng kanyang Amang Hari pagkatapos niyang paslangin ang mga kaharap na kaaway ng kanyang Amang Hari.

" Walang anuman ! Aking Ama ." Tugon na Sabi ni Dannes at iniwanan muna nito ang Amang Hari upang puntahan ang kanyang Ina Reyna sa silid nito na sabi ng kanyang Amang Hari ay naririto.

Pagkarating ni Dannes sa silid ng kanyang Inang Reyna ay laking gulat nito na nasa loob na pala sila Everest at bihag na ang kanyang Ina at ang ilang mga Damma .... ang mga kawal ng kanyang Ina na nakabantay ay wala na dahil napaslang na nila Everest.

" Dannes !" Tawag ni Everest kay Dannes ng pagkapasok nito sa loob ng silid ng kanyang Inang Reyna at Hindi lang mag isa si Everest o may apat pa Itong kasama na nakapasok sa silid ng kanyang Inang Reyna.

Itutuloy .

Address

Cavite

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Horror story totoo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share