19/08/2025
27F at my 3 anak 6yo boy, 4yo boy, 2yo girl. kakamatay ln ng husband ko June 8 2025, inatake sya sa puso dahil stress na stress cguro sya sa nanyare sa buhay namen.
Nun una goods nman pamumuhay namen, madami ako food cart business around 20 carts ng siomai rice, kwek kwek fishballs at pares mami, around 8k to 12k daily kita ko net npo depende sa araw.
While yun husband ko nman ay my chicken farm(dress chicken) sa batangas at palaisdaan ng tilapia. Hnd naman ganun kalakihan pero around 80k monthly net nya
Nakapundar km ng 3 bahay, isa yun tinitirhan namen at 2 pinapaupahan. Nkapundar dn km ng 2 sasakyan isang suv na Nissan Terra at isang kotse na Honda City, Lahat fullypaid na dahil sa negosyo namen na napalago sa tulong ng kpated ng husband ko na 2 nurse na babae sa Amerika na unang nagbigay puhunan samen.
Nagsimula ang kalbaryo namen nun natuto ang husband ko mag casino nun 2022, as in actual casino sa Solaire, City Dreams at Okada, minsan nsa Macau dn sya. Unti unti nabawasan ang pumapasok na pera samen at nakikita ko madami na pinapasangla saken husband ko at panay na loan nya sa banks, sabe nya my papasukin dw sya bagong negosyo at need malaki capital.
Hindi naman ako nagtataka kasi my farm nga at palaisdaan kami. Hnd ko sya pinag isipan masama kasi busy dn ako sa negosyo. Na connect ko nlan ang dot nun panay na punta namen sa casino pra mag checkin at magbuffet saturday at sunday. Kasi my free accomodation dw sya at compli foods. Tska dun dw casino meeting place nila ng mga bagong business partner nya na bigtime dw sa farming.
Last year ko ln nalaman na lubog na pala sya sa utang at nakasangla na lahat ng titulo ng bahay namen at mga paupahan, pati mga sasakyan namen nkasangla dn. Late ndn nalaman ng mga hipag ko sa amerika ang pgkalulong nya sa sugal.
Sinubukan humingi ng husband ko ng tulong pra matubos sa mga financer ng casino ang mga kapated nya pero imbes tulungan sinermunan sya at pinabayaan nlang at never na sya kinausap hangang namatay na husband ko.
Bago namatay husband ko pinaliwanag nya naman na makakaahon pa naman km need nya ln tubusin ang mga titulo properties at papeles ng 2 sasakyan pra ma loan namen sa bank na mas mababa ang interest kasi kaya naman dw bayaran ang monthly amortization sa Banko kesa dw dun sa casino na 20 percent outright at 2 percent per day ang tubo. Sobrang laki.Yun hiniram nya na 1m sangla isang titulo lumobo dw ng mahigit 2m sa isang buwan, eh madami pa sya sinangla at tapal tapal nlan ginawa.
Hindi ko na elaborate ang buong detalye ng utang pero nsa 8.5m need ko bayaran sa mga casino financer.
Nun umuwe mga hipag ko sa lamay ng husband ko grabe ang iyak nila at ako pa sinisi dahil di dw ako nagsabe ng totoong sitwasyon. Panu ako mgssbe late ku ndn nalaman at wala tlga ako alam. Block dn naman nila ako sa messenger fb. Hindi nlan ako kumibo pero inexplain ko ang side ko ng mahimasmasan na sila.
Medyo naiintindihan naman na nila at hands on kasi ako sa negosyo at sa mga bata. Wala sila binanggit kun tutulong sila pag tubos or what.lage my offer ang mga bank saken ng personal loans at credit cards sa name ko mismo at iba yun sa husband ko, hindi ko grab un nun una dhl my cc ndn naman si husband, pero yun na ang nasa isip ko ngyn pero hnd pku confident panu gamitin at kun kaya ko ba bayaran. Dku dn alam kun ako dn ba mgbabayad sa mga banks ng mga utang na naiwan nya nsa 700k dn ata total lahat lahat cc personal loan, Hingi sana ako advice. Lalu na mental stress pko ngyn.Huhuhuhuhu