09/10/2025
Isang Dekada Pa Lamang: Naulilang 10-Anyos, Piniling Mamuhay Mag-isa sa Bukid; Nagtanim ng Gulay Para Mabuhay
Isang kalunos-lunos ngunit kahanga-hangang kuwento ng resilience ang ipinamalas ng 10-anyos na si Dang Van Khuyen mula sa Vietnam. Mag-isa siyang namumuhay sa bukid matapos sunod-sunod na sumakabilang-buhay ang kaniyang lola at tatay.
Ulila na sa ina si Khuyen noon, at tanging ang kaniyang lola at amang nagtatrabaho sa malayo ang kaniyang kasama at suporta. Ngunit nang pumanaw ang lola at na-disgrasya ang ama, napilitan si Khuyen na mamuhay nang mag-isa.
Sa kabila ng matinding pagsubok, tumanggi si Khuyen na tumira sa bahay-ampunan. Sa halip, ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral at namuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay sa kanilang bukid para mabuhay.
Ang kaniyang determinasyon ay talagang kahanga-hanga, lalo na sa murang edad na sampu.