16/02/2021
UKAY UKAY TIPS 👌👌👌
1. Bilangin kung ilang piraso ang laman ng bulto pangit man o maganda.
2. Alamin ang kabuuan ng puhunan isama na lahat pati pinag jollibee tapos i divide ang kabuang total ng puhunan sa bilang ng bulto
Ex.
P3500 - Bulto
P500- Sf
Total P4000
÷ 250 piraso o laman ng bulto
16 ang puhunan bawat piraso
Pangit man o maganda.
3. Kapag natapos ka na sa 1 at 2 mag sort ka na EUC-GUC at bargain/basahan o tapon talaga. So let say sa 250 na piraso may 20pcs na EUC pwede ibenta P100, 50pcs na VGUC P60 isa, 70pcs na GUC 30 isa, 80pcs na bargain P5 isa then the rest basahan na.
20x100=2000
50x60= 3000
70×30=2100
80x5=400
Total 7500
Yan ang kabuan ng mabenta mo.
Ang example ko ay halos kalahati ang tapon..kya mahalaga ang mag sort pag ukay ang tinda mo..sana makatulong
---
IDAGDAG KO NA DIN ANG RULES SA UKAY
1. Huwag mataas ang expectation Class A/ #1, #2 o Bargain bale man baka masaktan ka lang. Ukay pa din ito.
2. Bawiin muna puhunan o kahit kalahati lang bago bumili ulit ng bagong items Huwag takaw mata baka matambakan ka ng basura😂
3. Alamin ang bundles na binibili. Kung kinakailang mag review ka yung tipong may exam ka gawin mo. Huwag gaya gaya o uto uto na pag sinabing maganda gorabels ka na tapos nun wawarlahin mo si seller.
4. Libre mag tanong wag lang paulit ulit. Uso mag backread lalo na pag sa akin ang haba pa naman ng explanation ko ang hirap ulitin. 😜
5. Huwag masyadong gahaman dahil di ka aasenso jan todo tawad sa supplier at seller pero sa mga buyers mo ang mahal mo bumenta. Bad yan.
6. Kung pano ka intindihin ng seller o supplier nung makulit ka sana sa konting pag kakamali o problema pag omorder ka gawin mo din sa kanya. Give and take lang. Lahat ng bagay nakukuha sa maayos na usapan. Maliban nlng kung ayaw mong ayusin.
💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗
‼UKAY TIPS‼
Sa ukay ukay kailangan Ng effort Kung gusto nyo mkabenta Ng maganda. natural na lukot lukot pag bukas nyo factory seald meaning machine nagcompress Nyan Kaya lukot at di nyo ma appreciate Ang ganda. Kayo kaya isilid kosa bulto di kayo malukot charot hahaha ✌
Laba, plantsa, pictorial Lang katapat Nyan. Lahat Ng negosyo need Ng effort to success.
Kaya hndi ubra sakin yang word na "anu bato mukang maski piso isa diko mabebenta to" ay sis dika bagay mag negosyo ngayon palang tigilan mona 😂😂✌ lahat ng negosyo ay risky hndi naman pdeng boom agad yan kelangan mo ng diskarte at tyaga sa negosyo kelangan malakas ang loob mo. Hndi puro reklamo at arte kumilos ka
Just a reminder mga memsh, ayaw pag expect nga nindut permi imong makuha. Diskarte kailangan nato ani memsh di ta permi reklamo kay ang ukay nanginahanglan ni ug diskarte kay dili pirmi jackpot ning negosyoha, if dili ka ready pwes ayaw nalang gyud aning negosyoha 😊