02/04/2022
Akala ko dati, madali maging online seller.
Kasi nasa bahay lang ihahanda lang yung paninda tapos picture lang .
Pero ngayong pinasok ko tong negosyo na to masasabi kong “Hindi madali maging online seller” Bakit?
Pwede kang mag mukhang tanga 😥sa iba at pagtawanan ka.
Ikaw iisip anong items papatok na mabenta sa magiging customer mo.
Kung paano mo siya maibebenta na hindi ka maluluge.
Kung paano mo makukuha yung atensyon ng mga customer mo.
Kung paano at saan ka makakakuha ng items para itinda mo.
Risky kasi hindi mo alam if goods ba yung items na makukuha mo para mabenta. Gagawa ka pa ng paraan para mabenta mga to.
Makikipag usap ka sa customer na iba-iba ugali. Kaya kailangan mo mag adjust.
May mga taong bibili sayo pero pag siningil mo hindi ka na papansinin hanggang sa ma Joyjoy ka.
Pag payment first, iisipin sayo “Baka scammer to or mukhang pera“
At marami pang iba!
Sa pag kuha pa lang ng picture sa bawat items, masakit na sa likod nakakapagod na. Pero after all.. bakit ang saya?
Hindi talaga lagi goods sa business.
Hindi rin madali mag negosyo.
Kasi hindi pwede na tamad ka!
Hindi pwede na puro ka reklamo!
Hindi rin pwede na maghihintay ka lang para kumita! Hindi pwede na umasa ka!
Hindi pwede na puro panalangin 😇lang pero wala kang gawa.
Kailangan kumilos, kailangan mo maglabas ng pera. Kailangan mo mapagod para umasenso. Kailangan mo magtiwala sa sarili mo na, kaya mo! Kasi kung kinaya ng iba, ikaw pa ba? ☺️
Sabi nila “Hangga’t may isang naniniwala sayo magpatuloy ka.” Pero para sakin may mali doon. Kasi pwede kang magpatuloy kahit walang naniniwala sayo, hangga’t gusto mo magpatuloy, magpatuloy ka! Magbubunga rin lahat ng pagod at sipag mo. 🙏
Laban 💪lang kahit mahirap😍