27/02/2026
Wala lang kwento ko lang dito sa feed ko.
Kaninang lunch kasama ko ung bunso ko na 2yo pumunta kami mcdo may palaruan kasi sa taas nung food chain kaya gustong gusto ng anak ko doon. Nakaorder nako tas nung kukunin ko na order ko para dalhin sa table namin ung nakatalikod na student na babae (mga grade 9 siguro) aksidente nabangga ung pagkain at nabuhos lahat nung drink sa pagkain namin, pagkabunggo niya sakin alam ko naman hindi nya sinasadya pero sana marining ko man lang sana na "ay sorry po hindi ko sinasadya" Kaso tinignan niya lang ako at umalis na agad. Pero siyempre nakiusap ako sa crew kung pwede palitan, pinatawag sya nung crew, pinagharap kami kaso kahit isang salita eh walang imik ung student. Ending pinalitan naman ng crew ung food, mabait sila. Kaso ung student tinalikuran lang ako ulit na para bang walang nangyari.
ANG GUSTO KO LANG IPARATING SA KWENTO KO AY SANA TURUAN PO NATIN ANG ATING MGA ANAK NA MAGING MAPAGKUMBABA SA LAHAT NG ORAS. ANG KANILANG ASAL AY MAGUUMPISA SA INYONG TAHANAN.
Madali lang naman sabihin ang "Sorry po hindi ko po sinasadya"
Hindi ko napo napangaralan ung bata kasi hindi ko naman po siya anak at may kasama papo akong toddler nawala na yun sa isip ko.