26/04/2020
"SABI MO"
Para sa mga taong pinangakuan ngunit di tinutuhanan.☺️
Sabi mo,
Ako'y tila isang tala sa kalangitan,
Na kay sarap kong pagmasdan.
Ngunit aking napagtanto,
Tala 'pala sa kalangita'y isang libo.
Sabi mo,
Ako'y isang buwan,
Na nagsisilbing liwanag sa kadiliman
Ngunit muli kong nalaman,
Ang buwan pala'y
Minsan lang kung magdala ng kaliwanagan.
Sabi mo,
Ako ang mundo mo,
Na nagbubuo sa buhay mo.
Pero 'di ko natanong sayo,
Baka doon ako sa dulo
Na may maliit na anyo
Na may ngalang pluto.
Sabi mo,
Ako ang buhay mo
Dahil kapag nawala ako
Mawawala ka rin sa mundo.
Pero nasaan na ang pangako mo,
Nakalimot ka't biglang naglaho
At iniwan mo akong nabibigo
Sa mga pangakong sabay nating binuo.
Nasaan na ang sabi mo?
Nasaan na ang mga pangako mo?
Nasaan na ang mga pangarap nating binuo?
Nasaan na ba tayo?
Tila naliligaw ako,!
Bakit nga ba naghihintay pa ako?
At bakit ba nagtatanong pa ako?
Alam ko namang ika'y may bago
At ako heto,
Pilit pinupunasan ko mga luhang dinulot mo
Na ngayon ay simbolo,
Na ika'y 'di na babalik sa piling ko.
Ako'y muling humiling na sa aking paghimbing,
Ako'y 'di na muling magising
Upang 'di na marinig
Mga pangakong walang paningin,
Na mananatiling nakalutang sa hangin
Na magiging isang pangitain na nagkukubli sa akin,
Sa takot na baka muling ibigin at muling paniwalain
Sa mga pangakong nakabitin nalang sa hangin
Na nagsasakal sa akin at ako'y paaasahin,
Ngunit di rin pala kakabigin.
Sabi mo na nga,
Ako ang tala
Sabi ko na nga,
Nagbago kana
Buhat ng may bagong talang nakilala.