07/09/2023
Hindi kailanman naging "LANG" ang pagiging Kindergarten Teacher. Maraming beses na gusto ko ng lumunok ng mahiwagang bato at sumigaw ng Darnaaaaa para mapagsabay sabay lahat.
Kapag nasa kindergarten ka, expect mo na ang lahat ng best at worst scenario.
Kapag umiiyak ang bata at ayaw magpaiwan, ikaw ang magpapatahan.
Kapag nagwawala ang bata, ikaw ang magpapakalma kahit ilang sipa, suntok, kurot, kalmot, kagat na ang inabot mo.
Kapag nakapupu o nakaiihi ang bata, ikaw ang maglilinis.
Kapag di mabuksan ang pagkain at inumin ikaw ang magbubukas para sa kanila.
Kapag labas masok ang bata ikaw ang hahabol sa kanya kahit hingal, pagod at hirap ka na sa pagtakbo.
Kapag may nabuhos na inumin ikaw ang magpupunas.
Kapag nag-away sila ikaw ang aawat at magpapatahan kapag may umiyak.
Kapag natanggal ang sintas ng sapatos at di pa marunong ang bata ikaw ang magsisintas kahit oras pa yan ng klase.
Kapag uwian na at walang maasahang magulang sa paglilinis, ikaw ang magwawalis, magpupunas, at magkukuskos ng sahig at bowl ng CR.
Ikaw ang nanay o tatay nila sa paaralan. Madalas mas marami pa ang pag-aalagang nagaganap habang ikaw ay nagtuturo.
Hindi biro ang pagiging g**o sa Kindergarten, kung ang iba ay minamaliit ang kakayahan ng isang Kinder Teacher at palaging kinakabitan ng salitang "lang", isipin na lamang nila ang hirap na dinadanas ng bawat kinder teacher sa araw-araw. Ang magulang nga iisa lang ang anak halos di na magkanda-ugaga sa pag-aalaga, si Kinder Teacher pa kaya na parang nanganak ng dose-dosena.
Masarap at masayang magturo ngunit kaakibat ng sarap at sayang dinudulot nito ay ang hirap at sakripisyo sa paghubog ng ugali at pagkatao ng mga bata.
Hindi kailanman naging "lang" ang pagtuturo at mas lalong hindi kailaman naging "lang" ang pagiging Kindergarten Teacher.
Credit to the owner
Repost