17/12/2016
Paano ba mag shop online? Bakit karamihan payment first? Bakit karamihan pre-order basis?
Ganito kasi yan mga bes:
βοΈPre-ordering ang karamihan sa mga online shop dahil hindi po namin hawak ang stocks. Kami po ay shopper nyo lang.
βοΈPayment first po kami kasi yung ibabayad nyo yun din ang ipambabayad namin sa supplier. Kaya po mura dahil wala naman kaming puhunan. Yung bayad nyo un ang puhunan namin. So kung wala kang pambayad wala kami pang process orders ninyo.
βοΈHwag po kayo magfollow up ng order kung wala kayong inabot na bayad. Wala po kayong patago sa amin π
βοΈDahil nga sabi ko hindi namin hawak ang stocks, mas maigi if may 2-3 options kayo just in case ung first choice mo eh wala na or ubos na.
βοΈBakit ang dami nagagalit na online seller pag may ngccancel ng orders?Ganito kasi un mga bes, may mga mbabait na online seller na inaabonohan ang orders nyo basta sinabi nyo na sure na kukunin. So naglabas sya ng puhunan or pera para makuha ang order mo at tiwala sya na kukunin mo ito on time. Pero dahil kinansel mo, abonado na nga siya, stock pa ang puhunan nya at problema nya pa kung paano ibebenta ang order mo. So sana be responsible, kung may time na umorder, sana may time din magbayad para walang abala sa inyo at sa amin. Hindi lahat ng online seller ngpopost ng bogus buyer pero kung sobrang dami mo naman order na kinansel aba! Maski ako ipopost kita! Ang mga buyer kasi madelay lang konti ang parcel, ipopost agad si seller na scammer, well kami din may right mgpost ng ASYUMERA at ASYUMERONG WINDOW-BOGUS-SHOPPER! πππ
βοΈAt lastly, bago kau umorder sa online, kilalanin nyo muna ang seller, wag basta nalang papadala pera lalo na kung hindi nyo kilala pdadalhan ninyo.
π«HUWAG MASISILAW sa murang presyo, baka sa sobrang barat mo eh mapunta ka sa SCAMMER tapos iiyak iyak ka sa FB dahil bnlock kna.
π«Kung may duda sa seller magpa LC (LEGITIMACY CHECK) ka muna post mo siya sa mga group at humingi ng feedback sa mga nkatransact na nya.
π«Kung duda ka pa din, wag kana umorder, kung legit yan hindi ka nya pipilitin umorder dahil hindi lang naman ikaw ang buyer nya.
TIPS π‘
Mag canvass ka muna kung mgkano ba yang hnhnap mo, para naman malaman mo ang totoong presyuhan. Check mabuti ang facebook ni seller, dapat madami siya proof of transactions at may mga comments at feedbacks ng buyers nya.
MAGPAPASKO NA! HINDI LANG SA DIVISORIA MDAMING KAWATAN,MAS MADAMI SA ONLINE KAYA BEWARE ππ