19/02/2024
REASONS TO NOT COMPARE ONLINE SELLER'S PRICES. LONG POST AHEAD! 👇
• Sellers code 101 😂
📍 IBA IBANG PUHUNAN. Kaya mas mura sa iba dahil mababa lang din puhunan nila. Yung iba mahal ang tinda kasi malaki nilabas nila na puhunan. 5k vs 50k kaya please wag po magsabi ng 'kay ganto mura lang, sayo ang mahal'. Baka pag nalaman mo kung magkano puhunan namin baka mahiya ka dyan bigla. LALO WAG KANG TATAWAD SA PRESYO KUNG IINSTALLMENT MO😂 PS. Hindi lahat ng nasa bulto ay MAGAGANDA. Madalas din kami nakaka-encounter ng PATAPON ITEMS or HINDI NA MABEBENTA.Ukay is risky ika nga.
📍 KANYA KANYANG EFFORT. Yung iba sort then rekta picture or rekta display sa pwesto lang. Yung iba naman NAGSO-SORT, NAGLALABA, NAMAMALANTSA at NAGRE-REPAIR. P**i compute nalang mula sa materyales para sa repair, sabon, tubig, kuryente pati oras na kinokunsumo pati pagod. Hindi kami pwede mag basa ng kamay after mamalantsa ng sandamakmak na damit, pawis na pawis, ngalay ang likod at balakang. Lahat yan effort para kumita ng malaking halaga.
📍KANYA KANYANG PRESENTATION. Yung iba hindi masyado ineeffortan pag present ng items kaya less pagod. Yung iba naman bongga ang presentation. P**i compute ulit, MAMAHALING MANNEQUIN, DECORATIONS, BACKGROUND, GOOD LIGHTING MULA SA SIKAT NG ARAW HANGGANG SA RING LIGHT. Tapos hindi pa namin natatapos ng isang araw lang kasi hinahabol namin yung sikat ng araw. Kaya pag tag ulan ang hirap mag picture ng paninda kasi madilim.
📍QUALITY OVER QUANTITY. May mga sellers na mas mahalaga sakanila kung ilan laman ng bulto, hindi na nagsosort ng maayos. Basta nasusuot pwede na. Yung iba naman QUALITY ang mahalaga sakanila. Eto yung hinihiwalay nila yung BONGGA sa PWEDE NA or TAPON NA. Madalas pag QUALITY seller ka, minsan nalulugi ka sa isang bulto kasi nga HINDI LAHAT NG LAMAN AY MAGAGANDA o PASOK SA QUALITY NG RETAIL MO.
📍PACKAGING. Yung iba saktong packing lang, yung simpleng plastic bag minsan second hand used pa yung plastic. Yung iba naman bongga ang packaging. P**i compute ulit, mula PRINTED PLASTIC, SELF ADHESIVE PLASTIC, PAPER BAGS, TAG, THANK YOU STICKERS, etc. Lahat yan may kaakibat na CHA-CHING! (PERA).
📍FREEBIES. Hindi lahat nag bibigay ng free. At Hindi porke FREEBIE eh FREE na din namin nakuha. Aba! Wala nang libre sa panahon ngayon sis, lahat may bayad na. 😂 Kasama din po sa expenses namin ang mga FREEBIES ALERT kineme namin. Way of graritude po namin yun for your continous patronage of our shop. Kaya maging thankful nalang po kayo kesa laitin yung free. Kung sa mall ka bumili kahit umabot ka ng 100k total, wala kang makukuhang FREE! 😅
❎ Kaya please po! Wag ikumpara ang ₱50 sa ₱500 kasi iba iba po kami ng diskarte at halaga ng puhunan. Kung hindi mo afford, wag ka na mang insulto ng seller. Kung gusto mo naman ng mura lang, wag naman din masyadong mataas ang expectations mo. 😊 Baka kasi worth ₱50 lang nakuha mo tapos nag eexpect ka ng MALL QUALITY. 🤦 Wag ganon sis! 😂 Ukay po ito, you get what you pay for. 😊
Hindi naman namin kayo pinipilit bumili samin. RIGHTS niyo din naman kung kanino kayo bibili at kung subok niyo na ang seller. 🥰 And sa mga kapwa ko online sellers, wag na manira para sainyo kumuha. Negosyo lang, walang lamangan. 😂😅 Let us spread loooove! Not hate. Haha! 😊 Yun lang, happy shopping mga sis!! 🥰💋
CCTO ☺️