17/08/2024
Guys Paheart React naman po sa mismong Pic and pashare na din po thanks in advance po 🥰
"Artificial Intelligence" (AI)
Ano nga ba ang AI? at paano ito nagagawa?
Nakakabilib nga naman ang teknolohiyang ito, wala pang isang segundo ay makakakuha ka na agad ng resulta, sobra itong nakatulong sa mga pilipino lalo na sa mga estudyante upang mapabilis ang kanilang gawain at stress free nga naman ito. sa isang pag aaral, niraranggo ng IDC ang Pilipinas sa ika-12 sa 14 na ekonomiya sa asia na gumagamit ng AI. Wala naman masama ang gumamit ng Artificial intelligence, Ngunit sa lubhang pag gamit nito nalilimitahan na ang kasipagan, katalinuhan at talento ng mga tao na umaasa sa AI.
Paalala para sa kabataang tubigan, ang pag aaral ay isang mahabang paglalakbay na nagbibigay kapangyarihan sa atin na lumago, umunlad, at tuklasin ang ating buong potensiyal kaya naman HUWAG NA GUMAMIT NG "ARTIFICIAL INTELLIGENCE" (AI).
Pitik ni Aaron Gabrielle Santos