Leon PeliƱa

Leon PeliƱa Let live life to the fullestšŸ‘

03/09/2025

PULIS NASAGIP ANG BABAENG NAGTANGKANG MAGPAKAMATAY SA AKLAN

Alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa makatao at malasakit na paglilingkod, nagpakita ng kabayanihan at malasakit ang mga tauhan ng Madalag Municipal Police Station sa Aklan nang mailigtas nila ang isang babae na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog sa Sitio Daguitan, Brgy. Paningayan, Madalag, Aklan.

Pinangunahan nina PMSg Edmond A. Olid at PSSg Sheryl N. Santillan ang halos kalahating oras na pakikipag-usap sa babae, na may kasamang matinding pasensya, pang-unawa, at malasakit. Nang bigla itong tumakbo patungo sa mas malalim na bahagi ng ilog, agad na tumalon si PSSg Olid upang masiguro ang kanyang kaligtasan.

Ayon sa ulat, ang babae ay residente ng Barangay Tigbauan, Madalag, may asawa at apat na anak. Siya ay natagpuang nakahiga sa ilog at umiiyak sa matinding kawalan ng pag-asa. Ayon sa paunang pagsusuri, ang mga problemang pampamilya at kahirapan ang nagtulak sa kanyang ginawa.

Dahil sa mabilis at tapat na aksyon ng ating kapulisan, isang buhay na naman ang nailigtas, patunay ng kanilang di matatawarang paninindigan na maglingkod at magprotekta sa mamamayan.

Ayon kay Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.: "Ang ipinakitang tapang at malasakit ng ating mga pulis ay repleksyon ng tunay na puso ng serbisyo-pulisya. Hindi lamang sila tagapagpatupad ng batas, kundi mga tagapangalaga ng buhay. Ito ay pagtupad sa ating pangako sa sambayanang Pilipino, na ang PNP ay palaging magiging puwersa para sa kabutihan."

Patuloy ang PNP sa pagbibigay ng tapat, makatao, at malasakit na serbisyo upang masiguro ang kaligtasan ng bawat komunidad.

03/09/2025
03/09/2025
03/09/2025
03/09/2025

The Director of the Highway Patrol Group expresses full support for the 7-Point Agenda of the newly designated Acting Chief PNP, affirming the Group’s commitment to proactive crime prevention, road safety, and efficient police service for the Filipino people.




03/09/2025

Address

Alapan 1c
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Leon PeliƱa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share