21/09/2020
Cosmetic Buffet Rejuvenating Set Feedback 🦋
"ANONG GANAP SAYO NGAYONG QUARANTINE?
"Hala, may game app ka na pala sa mukha? PIMPLE RUN (temple run)"
"Anyare sa mukha mo, lumala na"
"Ang lala ng face mo ngayon"
"Di ka makakapag-asawa niyan"
Sino ba namang di madodown dito, depress na depress na ako sa pimples ko tapos samahan mo pa nung mga taong grabe makapag judge at makapang asar saken.
2016 nagsimula lahat ng iyak ko sa buhay hahahaha di mapakali kapag may tutubo ng pimples, okay lang sana kung pa isa isa e, kaso hindi e paggising mo sa umaga may tatlo hanggang apat na pimples agad na nasa mukha. Kung noon nasa noo lang lahat, pag patak ng 2017 till' March to May 2020 kumalat na hanggang pisngi at baba.
Di magkanda mayaw sa pagiipon at pagbili ng mamahaling beauty products, pagsalang sa derma, papalit palit ng pagkain, iwas junk foods, softdrinks at dairy foods at tumawag pa ng mga santo at santa para mawala ang mga sumpa sa mukha ang ending wala parin, iyak parin kay jowa HAHAHAHA
Kapit na kapit ako sa filter, kaya wag kayo maniwala sa mga post ko dati filtered yon kaya mukhang wala pimples HAHAHA scam po yon!!
Umabot pa sa time na sobrang hiyang hiya ako lumabas ng bahay, di makagala with friends, di makapamyesta dahil baka asarin lang ako o ijudge, lalo na kapag napapaharap ako sa salamin jusmeyo lagi kong sinasabi sa bf ko "Mal, grabe ung pimples ko huhu" (nasa pic below) HAHAHAHA Si jowa ang saksi sa kaligaligan ko dahil sa mga di natitibag kong mga pimples! 😂😂 Kim Edward Tenorio Thankyou sa palaging pag cheer up saken! Ganda na ng jowa mo di ka na din inaaway HAHAHAHAHA char
Dati talaga takot na takot sa Rejuvenating sets dahil nag try naren ako nun di ko na lang dodrop ung brand name, pero ligwak na ligwak, dun yata mas lumala mga pimples ko sa mukha pero nitong June 2020 lang natagpuan ang makakapag pawala ng sumpa sa aking mukha HAHAHA biglang nakita ko si COSMETIC BUFFET kaso naisip ko baka maligwak na naman o kaya maimpeksyon si face, pero dahil kating kati na ang lola mo na mawala ang mga sumpa nag take the risk na ako HAHAHAHA malaking pasasalamat talaga kay COSMETIC BUFFET, siya ang naging susi sa aking matagal na inaasam.
YUNG 5 TAON KONG INIIYAK SA HARAP NG SALAMIN, MAWAWALA LANG PALA WITHIN 3 MONTHS!! Di na uso salamat shoppee, SALAMAT COSMETIC BUFFET NA! 😂 nakakapagpuyat ng di tinutubuan ng pimples at hindi lang pimples ang nawala, namuti din pati balat dahil sa kojic soap ni CB!
SANA ALL NO MORE!"