16/05/2021
UKAY TIPS ✨
Paano nga ba kumikita sa Ukay?
🌻 Tip 1
Pagbukas ng bulto, bilangin ang kabuuan ng laman. Panget man o maganda, may damage man o wala.
🌻 Tip 2
Tuusin ang puhunan
- kung magkano mo nabili ang bulto
- Kung magkano ang sf mo
- Isama ang additional expenses katulad ng bayad sa tricycle sa pag pick up sa terminal, o pinang merienda mo etc.
I-divide ang tutal na puhunan sa kabuuang bilang ng laman ng bulto.
🗒 Example:
Korean Dress na Bulto - ₱ 5,500
Shipping Fee - ₱ 500
TOTAL: ₱ 6,000
÷ 150 pieces na laman ng bulto
Pumapatak ₱ 40 ang puhunan sa kada piraso ng Dress, panget man o maganda. Branded man o hindi.
🌻 Tip 3
I-sort ang laman ng bulto.
Ihiwalay ang Branded, modern, maganda o bongga. Ihiwalay ang sakto lang sa iyong taste. Ihiwalay ang old fashioned, may damage o overused.
Halimbawa sa kabuuang bilang ng iyong na-sort out of 150 pieces na laman ng bulto.
• Branded, modern, bongga - 50 piraso
(Ang bentahan ay pwede sa ₱ 150)
• Sakto lang sa taste mo - 70 piraso
(Ang bentahan ay pwede sa ₱ 100)
• Old fashioned, may damage at overused 30 piraso
(Ang bentahan ay pwede sa ₱ 50)
50 piraso X ₱ 150 per piraso = ₱ 7,500
70 piraso X ₱ 100 per piraso = ₱ 7,000
30 piraso X ₱ 50 per piraso = ₱ 1,500
TOTAL: ₱ 16,000 yan ang kabuuan na kaya mo kitain sa laman ng isang bulto.
Ang halimbawa na tuos na ito ay naka base sa pinaka murang bentahan ng Dress sa Ukay. Mahalaga ang marunong kang mag sort ng paninda mo dahil dito babase ang kikitain mo. 💯
Mas maganda rin na marunong ka mag effort at artehan ang paninda mo. Maganda rin yung may oras ka mag plantsa o maglaba para ready-to-wear ang items mo. Mas presentable, mas maganda ang magiging presyo ng paninda mo.
Hope it helps 💕
~
ADDITIONAL TIPS 🌿
🌻 #1 Huwag mataas ang expectation sa Ukay. RISKY talaga ang Ukay regardless kung Goldrags, VIP, Class A, Class B o bargain bale. Secondhand used clothes parin ang laman nyan.
🌻 #2 Pag aralan ang pasikot sikot bago umorder. Maging mapanuri, magtanong tanong. Mag survey sa mga kapwa buyer. Huwag yung nakita mo lang kay kapitbahay na bumili ng bulto, gogora ka agad tapos kapag hindi nagustuhan ang laman, magtatatalak sa supplier. Huwag takaw mata.
🌻 #3 Huwag tipirin ang budget sa puhunan. Kasama sa pagsisimula ang Shipping Fee, Mannequin at kung ano pang abubot na makakatulong maging presentable ang paninda natin. Sa umpisa marami kakailanganin pero triple ang balik nito kaya huwag tipirin.
🌻 #4 EFFORT at DISKARTE. Alam natin ang pagkakaiba ng panget at maganda. Lagyan ng effort ang paninda. Pagandahan ng presentation sa Ukay. Kahit Secondhand/used ito, huwag mo na ipamukha na gamit na. Maraming paraan para maging presentable ang paninda, Be creative!
🌻 #5 GIVE AND TAKE. Huwag maging gahaman. Maliit lang ang tubo ng supplier sa kada bulto kumpara sa inyong mga Retail Sellers. Huwag todo tawad sa supplier, huwag demanding sa mga Free tapos kung mag presyo ng isang item katumbas na ng Brandnew. Maging madiskarte pero huwag maging mapanlamang sa kapwa. Masama yan. 😉
🌻 #6 BE RESPONSIBLE BUYER. Sa oras na pinasok mo ang mundo ng Ukay, there’s no turning back kaya bago umorder siguraduhin na alam mo ang papasukin mo. Basta’t silyado, walang balikan ng bulto ano man ang maging laman nito maliban nalang kung mali ang ibinigay sayo.
🌻 #7 HUWAG MAGING MATAPOBRE NA BUYER. Kung paano kayo tinulungan ng Supplier sa pagpili ng bulto, sa pag eexplain, sa pag guide lalo na sa mga baguhan huwag sana konting pagkakamali ay magtatatalak kayo sa mga groups. Maayos kaming kausap sa mga taong maayos rin makipag-usap. Lahat ng bagay ay nadadaan sa maayos na usapan. Huwag daanin sa attitude, -minus points sa langit yan.
Ctto ❤️