14/03/2026
REMINDERS TO ALL CLIENTS❗️❗️
Ang pagla-layout po ng design ay hindi lang natatapos sa loob ng 1–2 araw. Karaniwan po itong inaabot ng 2–4 days, depende kung gaano karami ang naka-pila na mga layout na ginagawa.
Maaari pong mapaaga o eksakto sa ibinigay na araw ang release ng layout ninyo, depende sa schedule. Hindi rin po ito maaaring madaliin dahil hindi po madali ang paggawa ng layout at kailangan po itong pagtuunan ng oras.
Pakiusap din po na magpagawa lamang ng layout kung sigurado na kayo, dahil binabayaran po namin ang paggawa ng layout kahit hindi na ito ituloy ng customer.
Maraming salamat po sa pag-unawa. 🙂