06/03/2023
Mao jud ky mao raba tawun n amua pangunabuhian saon nlang
' '
Ito ang panawagan ng jeepney driver na si Agustin sa post na ibinahagi ng kanyang anak na si Marga sa Facebook kung saan makikita ang kanyang karanasan bilang isang driver.
"ilang taon pong pinaghirapan ng papa ko at kuya ko hulugan ng ilang taon para lang magkaroon kami ng sariling jeep," kwento ni Marga sa PSND.
Ayon sa kanya, pito silang magkakapatid at ang dalawang larawan na nakapaskil sa cartolina ay ang kanyang mga kapatid na nakapagtapos sa pag-aaral.
"tatlo pa po kaming estudyante ang pinapaaral niya dalawa pong elementary at ako na graduating this year. hindi po madali para sa papa ko ang iphaseout ng ganun lang ang jeep na pinaghirapan niya dahil dito po kami kumakain at dito niya kami binuhay," saad nito.
(Marga/Facebook)