18/10/2021
"Illegal Structure"
Ito ang bansag sa mga sapra, baklad, at tahungan nating mga mangingisda. Pero paano nga ba tayo naging illegal? Hindi ba't dahil na rin sa ayaw nila tayong bigyan ng permit upang maging legal? Ilang taon na nating suwestyon na SANA mabigyan naman tayo ng permit upang tayo naman ay matawag na LEGAL.
Napaka sakit para sa ating mga mahihirap na palagi nalang sa tuwi tuwi na tayo ay binabansagang ILLEGAL samantalang wala naman tayong ginagawang mali. Tayo lamang ay nag hahanap buhay para sa ating pamilya.
ILLEGAL tayo pero ang araw araw nating gawain ay PUMALAOT upang mangisda at maghango ng tahong KUNG MERON, Dahil alam naman natin na sa dagat hindi lahat ng panahon ay may PERA tayong maiuuwi. Ang tangin sigurado lamang ay PANG ULAM mag hapon.
Para sa mga mayayaman at nasa Posisyon sa Gobyerno, Kung gusto nyo hong mapaganda ang MANILA BAY abay MAS lalo naman kami dahil alam namin noon pa na sya ay MAGANDA na at talaga namang hindi nya kami pinababayaan sa araw araw ng aming buhay.
Alam nyo ho bang katulong nyo kaming mga nasa laot na magdampot ng mga palutang lutang na plastic, styro, tsinelas, bote, at iba pang klase ng basura na kasama ng AGOS ng tubig?
Alam nyo bang inaalagaan namin ang dagat dahil ito lamang ang bumubuhay sa aming pamilya?
Hindi.
Pero nakakapagtaka paano, bakit at saan nyo nakalap na isa ang aming hanap buhay sa sumisira sa MANILA BAY?
Magpalit tayo ng buhay. Mabuti kayo nasa mga opisina, Mabuti kayo kampanteng uuwi ng matiwasay. Samantalang kami sa aming pagpalaot hindi namin alam kung anong pwedeng kahinatnan namin habang kaming nasa gitna ng karagatan at naghahanap ng makakain.
Anjang kapag naulan may mga tinatamaan ng kidlat, tumataob ang bangka at inaanod sa kung saan hanggang sa mamatay dahil sa lamig at nerbyos.
Napaka tagal ng panahon na WALANG BOSES ang MAHIHIRAP. Sana ngayong lalong gantong may PANDEMYA marinig nyo kaming mga nasa laylayan.
SIGAW KAPWA KO MANDARAGAT!
-JDF