10/01/2018
💔
This jacket story is about me and my bestfriend.
Dati nung highschool pa kami,(Graduate na ako ngayon, siya nagpapatuloy pa ng pag-aaral niya) hilig niyang hiramin yung jacket ko. Minsan nakakaasar na kasi kaya ko nga dinala jacket ko para magamit ko diba? Pero lagi nalang niya kinukuha sakin kapag wala ako sa room. Binabalik din naman niya. Bestfriend ko siya, ganun din naman yung turing niya sakin.
To cut the long story short, heto na yung common na nangyayari. Nainlove ako sa kanya. Kung paano at bakit ewan ko ba. Wala akong balak na umamin sa kaniya kasi baka mamaya iwasan niya ako atsaka baka maging awkward kaming dalawa. So balik kami sa dati. Asaran dito, asaran doon, tapos hanggang sa napansin ko, hindi na siya nanghihiram ng jacket sakin.
Nung naglunch kami, biglang sabi niya sakin, may nililigawan daw siya.
Syempre shook si Ate girl nyo, pero kunwari happy ako for him, Happy naman talaga ako, half half. Humingi sakin ng advice, eh aba naman anong malay ko sa mga ganun? Nagtanong sakin ano ba daw gusto ng mga babae. Eh di sinagot ko yung mga common gifts, flowers, chocolates, sincerity sabi ko. Amazed naman siya, luko talaga.
Masaya naman ako for him pero bago kami gumraduate, umamin na ako sa kaniya, pero sabi ko naman okay lang ako, no problem. Sabi ko pa, wala na yun. Nagsmile siya sakin and sabi niya someday daw magiging kami (joke) sabi niya someday daw mahahanap ko rin yung para sakin. Sabi ko syempre naman, ang bata pa namin, madami pang mga mangyayari. Yung medyo masakit lang na part, nagregalo ako sa kaniya ng jacket nagnote ako sabi ko, oh yan, jacket para di ka na manghiram gamitin niya sabi ko. Akala ko siya ang gagamit, pero nakita ko sila ilang beses na, pinapahiram niya ng jacket niya (yung bigay ko) sa girl (Pabebe din nitong si girl eh, tamad magdala ng jacket. Joke. Peace, masaya naman ako for them) Syempre ilang beses kong nakita yun kasi minsan third wheel ako. Eh kasi nga isa akong dakilang bestfriend. Dapat pala sinabi ko hindi ako okay, nagpabebe pa kasi ako eh (joke) Kung sana pwede lang idaan sa joke lahat ano? Tapos yung joke mo, seseryosohin niya, tapos makikita ka niya, tapos pahahalagahan, tapos.... eh ang kaso manhid si bestfriend eh. Lol.
Ngayon, happy naman ako with myself, hinihintay parin for the right guy. Siya naman, going strong sila ng niligawan niya na girlfriend na niya ngayon. Happy ako for them. Nakamove on narin ako, pero nakakatuwa lang balikan memories namin.
- Dakilang Bestfriend
- - - - - -
Hello guys! If you have any Jacket Stories, you can PM us and we’ll share it 😊
- - - -
You can also PM us if you want to avail VERSET APPAREL, to experience the cozy feeling it can give you. It is reversible to cotton or waterproof perfect for any season, with a built-in case that you can use as a pillow or a pouch 😊
VERSET APPAREL
“Designed to comfort and suit your style”