30/08/2021
"Handmade always have a happy ending." - the happily ever crafter mom
Presenting the happy ending of THECM macrame chair covers.
But wait eto muna ang kwento nila...
Once upon a casual chat nagsabi si madam ana na gusto nya magkatouch of white yung dining chairs nya. So nagpaquote sya how much kung pagawan nya ng macrame yung cushion. Excited ako at first pero pagtagal-tagal habamg tinititigan ko ang nisend nya na pictures ng dining set nya, naisip ko na parang impractical for the cost.
Then we agreed na accent na lang sa back, nagsend sya ng pictures ng peg. Pero sabi ko i'll make the pattern simple lang at elegant para di mukhang bohemian wedding masyado.
When i started working on it, nagsasabit panlang ako ng cords, ayan na naman di na naman ako happy kasi yung pattern na nakaplan ko mabigat, sobrang lundo eh ung post na pagsasabitan sa sides mababaw lang so malaki tendency na mahulog lang palagi (lalo na pag hinila ni lester,haha). So sabi ko ke mareng ana eh wait lang magtitigan at magusap muna kami ng mga lubid.
Blessing naman at yung dining chairs namin eh similar sa style ng sa dining chairs nya so everytime kumakain ako, nakakapagimagine ako. And one day isang araw,eureka! i decided to make it cover style not just an accent. Walang kaba na mahuhulog plus kahit sa likod o harap ka tumingin may makikita na macrame. Plus yung design nya ay reversible.
I told her "gawa akong sample, pag di mo naapprove ok lang...isip ng bago at akin na lang ito. But ayan obviously she liked it, kaya push ang project.
Nagtalo lang kami sa presyo...kasi ayaw nya tanggapin ang pa-discount ko! Hahaha She appreciates the artistry,skills and love nanakakabit sa bawat buhol. She paid in advance pa nga at pagkadeliver, nagpadala pa sya ng tip. ( i can hear the "sana all" of my co-crafters here)
Thank you dearest Ann for your kindness.
Thank you for supporting and promoting our small business.
Thank you for these lovely pictures and videos.
Thank you for trusting the happily ever crafter mom.