25/06/2026
Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa Iskoโt Likha simula pa noong 2024. โค๐
Dahil po sa inyo, nakapagpatapos kayo ng isang Iskolar ng Bayan. ๐ป
Hindi ko man po matandaan ang lahat ng pangalan ng mga bumili at sumuporta, alam kong malaking bahagi noon ay mula rin sa kapwa kong iskolar. Kaya mula sa puso, maraming salamat po. Ang bigat ng sablay na ito ay gumaan dahil tinulungan ninyo akong buhatin ang maraming hamon sa buhay.
Mahirap maging self-sustaining student. Iba ang pagod kapag ikaw ang nagbabayad ng renta, bills, pagkain, at iba pang pang-araw-araw na gastusin habang pinagsasabay ang pag-aaral, pananaliksik, organisasyon, at paghahanap-buhay. Sa mga panahong iyon, ang Iskoโt Likha ang naging isa sa mga daan para maipagpatuloy ko ang pangarap na ito.
Hindi ko rin inakala na ang simpleng negosyong ito ay magbubukas ng napakaraming oportunidad. Dahil dito, nakatulong kayong makapagpadala ng isang Isko sa Japan para makapag-research at mag-intern nang dalawang beses, sa Thailand para muling makapag-intern, at sa iba pang bansang maaabot pa sa hindi kalayuang panahon.
Sa lahat ng professors, mentors, advisers, kaibigan, pamilya, customers, at sa lahat ng naniwala sa akin kahit sa simpleng pagbili ng shorts o shirtsโmaraming salamat po. ๐ฅน
Hindi ko ito maaabot nang mag-isa. Isa po akong buhay na patunay na kapag pinagsama ang sipag, tiyaga, at suporta ng mga taong naniniwala sa iyo, napakalayo pala ng maaaring marating.
This Sablay is not mine alone.
Padayon. ๐ป
- Romano Franco Huraรฑo, BS Agriculture (Cum Laude)