01/08/2026
From simpleng pangarap hanggang sa unti-unting pag-abot ng goals. π€β¨
Noong 2021, nagsimula lang kami sa harap ng bahay. Naglalatag ng ukay at sumubok ng isang live selling. Hindi man madali, every sale made us believe na may patutunguhan ang maliit naming negosyo.
2023, nagkaroon kami ng munting wooden ukay store. Hindi man kalakihan, sobrang saya namin dahil may sarili na kaming pwesto. Isa itong malaking milestone para sa amin.
2024, sa tulong ng aking nanay, naitayo namin ang aming cemented ukay store. Hindi ito malaking boutique, pero para sa amin, napakalaking blessing nito. β€οΈ
At ngayon, 2026, tuloy-tuloy pa rin kami. Hindi pa man kami sobrang laki, pero proud kaming sabihin na unti-unti kaming umaasenso. Every customer, every purchase, every share, at bawat support ninyo ang dahilan kung bakit patuloy kaming lumalaban.
Bilang isang mom of two, part-time seller lang ako. Hindi man consistent ang posting at live selling dahil inuuna ko rin ang pamilya at trabaho, pero hindi ko pinababayaan ang maliit naming negosyo. Naniniwala ako na hindi kailangang mabilis ang pag-asensoβang mahalaga, hindi ka tumitigil.
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa amin mula noon hanggang ngayon. β€οΈ Hindi pa ito ang finish line. Simula pa lang ito ng mas marami pang blessings at milestones.
Welcome po kayo sa Better Bargains by Thea and Zian! Marami pa po kaming magagandang ukay finds na ihahandog sa inyo. ποΈ
Small progress is still progress. π±
One batch. One customer. One dream at a time.