03/11/2018
Bakit hindi kumakain ng dugo ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo 🇮🇹?
Maikling sagot: Dahil bilang tunay na mga Kristiyano, sumusunod kami sa utos ng Diyos na nasa bibliya.
Pagbabawal sa lumang tipan:
Deut 12:23-25, Gen. 9:4, Lev. 17:10,14
Pagbabawal sa bagong tipan:
Ayon sa mga apostol...
"Sa halip, sulatan natin sila at sabihang huwag kumain ng anumang inihandog sa diyus diyosan, huwag makikiapid, huwag kakain ng hayop na binigti, at huwag kakain ng DUGO" Gawa 15:20
"Huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa diyus diyosan, ng DUGO, at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan nyo ang mga iyan at mapapabuti kayo. Paalam." Gawa 15:29
Ang DUGO ay ginawa ng Diyos hindi upang maging pagkain. Hindi kasama ang "dugo" sa mga pagkaing nilinis na ng Diyos, dahil hindi naman ito pagkain.
Huwag tayong palinlang sa mga katulad ng AHAS na nanlinlang kay Eba at Adan sa pagkain ng bunga ng punungkahoy na mismong ipinagbawal din ng Diyos na kainin.
Ito ang sabi ng AHAS:
"Ngunit sabi ng ahas, 'Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!' Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman nyo ang mabuti at masama." Gen. 3:4-5
Maaring sabihin ng ilan, yung kakilala ko nga na INC kumakain ng dinuguan yon e.
Hindi na natin sasagutin yan kung yan man ay totoo. Ito ang iiwan ko sayong katanungan: Ito bay pagsunod o PAGSUWAY sa aral ng Iglesia? Kung sya ay nasa pagsuway, dapat lang naman na siya ay mapangaralan sapagkat utos ng Diyos ang kaniyang nilalabag.
Para sa karagdagang impormasyon:
http://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2013/06/bakit-hindi-kumakain-ng-dugo-ang-mga.html