28/05/2026
๐คจ Lahat tayung mga online seller gusto naten patunyan na legit tayu pero ito rin nag papahamak saten dahil akala ata ng gov. naten eh mayayaman na tayu dahil sa pag oonline seller di nila alam barya nalang kinikita naten dahil sa tax na pagkalaki laki tapos nakikinbng lang ang mga di dapat .
pero dont worry mga mima cumplete legal online seller po ang Preloved Shop Ph di naman ako nag aalala para dito eh kaso nakaka dismaya na ang gov naten na lahat nalang talaga eh gustong patawan ng tax ako na 50.00 per box ano pa talaga kikitain hayst
ONLINE SELLING BAWAL NA???
Haharap sa matinding hamon ang mga online sellers at small business owners dahil sa bagong panukalang polisiya ng Department of Trade and Industry (DTI). Sa ilalim nito, oobligahin na ang mga nagnenegosyo sa social media na kumuha muna ng permit bago makapag-post ng anumang advertisement o promo online.
Sa ilalim ng nasabing proposal, aabutin ng hanggang 30 working days ang paghihintay bago maaprubahan ang isang campaign. Hindi lang ito, dahil maaari ring magbayad ng hanggang P9,295 ang mga negosyante para sa bawat ad permit na kailangan nilang makuha mula sa gobyerno.
Mariing kinontra ni Bam Aquino ang planong ito dahil sa epekto nito sa kabuhayan ng mga maliliit na negosyante. Ayon sa kanya, ang ganitong klaseng red tape ay magsisilbing pabigat sa halip na tulong sa mga Pilipinong sumusubok lang na kumita online.
Marami ring mga online sellers ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya dahil malalagay sa alanganin ang kanilang mga marketing campaigns. Naniniwala sila na kung matutuloy ito, mas lalong mahihirapan ang maliliit na negosyo na makipagsabayan sa merkado kumpara sa malalaking kumpanya na may kakayahang magbayad at sumunod sa ganitong kumplikadong proseso.