19/11/2025
𝙈𝙖𝙨 𝙨𝙤𝙡𝙞𝙙 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙨𝙖𝙗𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙖-𝙗𝙪𝙙𝙜𝙚𝙩.
Paano n’yo nga ba mina-manage ang pera bilang mag-asawa?
Combined ba ang income?
May sarili kayong allowances?
O kanya-kanyang diskarte pero may usapan?
Walang “one perfect way” —
pero may 𝙤𝙣𝙚 𝙞𝙢𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖𝙣𝙩 𝙧𝙪𝙡𝙚:
𝙙𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙝𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙚𝙧𝙖.
Kasi sa totoo lang…
sa dami ng gastos sa bahay — pagkain, bills, needs ng kids, emergencies —
𝙢𝙞𝙣𝙨𝙖𝙣 𝙢𝙖𝙮 𝙞𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤, 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙗𝙡𝙚𝙢𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙖.
Hindi dahil nang-iiwan.
Pero dahil ayaw makadagdag sa stress ng partner.
Pero doon nagsisimula ang bigat:
‘Yung hindi masabi na kulang ang budget.
‘Yung may purchase na kailangan pero nahihiyang aminin.
‘Yung bills na pina-follow up na pero tinatago muna.
‘Yung mga pangarap na parehong gusto pero hindi matulak dahil walang malinaw na pag-uusap.
Kaya mahalaga ang financial teamwork.
Hindi lang sa spreadsheet…
kundi sa conversation.
Sa honesty.
Sa pagiging open kahit uncomfortable.
Kung combined man ang pera n’yo or may allowances,
ang importante:
𝙏𝙚𝙖𝙢 𝙠𝙖𝙮𝙤.
𝙋𝙖𝙧𝙩𝙣𝙚𝙧𝙨 𝙠𝙖𝙮𝙤.
𝘼𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣.
Kasi kapag magkasama n’yong hinaharap ang pera,
mas magaan ang buhay.
Mas payapa ang bahay.
Mas malakas ang marriage.
𝙆𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣 𝙣𝙮𝙤 𝙝𝙪𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙪𝙨𝙖𝙥 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖’𝙩 𝙞𝙨𝙖 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙝𝙤𝙣𝙚𝙨𝙩𝙮, 𝙘𝙤𝙢𝙥𝙖𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣, 𝙖𝙩 𝙩𝙚𝙖𝙢𝙬𝙤𝙧𝙠?