06/08/2026
Isang Mapagpalang Buwan ng Wika sa ating lahat! 🇵🇭
Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” kaisa ang SustainaBling sa panawagang patuloy na pahalagahan ang wikang Filipino, ating kultura, at ang mga lokal na alagad ng sining na nagbibigay-buhay sa mayamang pamana ng ating bansa. ✨
Tulad ng pagbibigay ng SustainaBling ng panibagong buhay sa plastik sa pamamagitan ng mga makakalikasang eco-accessories, nawa’y magsilbi rin tayong inspirasyon sa pagsusulong ng sustainability habang ipinagmamalaki ang galing, sining, at kulturang Pilipino. ☀️
Sama-sama nating pangalagaan ang kalikasan, suportahan ang lokal, at ipagdiwang ang wikang at kulturang Pilipino, ngayon at sa mga susunod pang henerasyon. ✊
P.S. Ang poster ay hindi gawa sa AI 😉