13/06/2023
Tula para sa Mundong Yari sa Kirot
"Isa Lang"
Isa lang , isang yakap lang ulet, isang yakap lang ng mahigpit , yung kayang magtanggal nang nanuot at dumikit na puot at sakit sa suot kong mga damit upang hindi nako luluhod at pipikit para manalanging manugod kang babalik pa saaken at tuloy mong sasambitin na ang pagsinta mo ay sa akin parin
isa lang, isa lang naman ang kulang, ang ako sayo ay lubusang makapagpaalam at ang lahat ng laman ng puso't damdamin ko sayo'y maipalam, dahil hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kayang tumayo kahit mga mata koy palaging namumugto bunga ng lungkot at aking sobrang pagkabigo
pero huwag kang magalala, wala pa naman akong hindi kinaya diba ? ang mahalaga masaya ka kahit hindi na ako kasama sa bawat dahilan ng iyong pagtawa palalayain kita, kahit hindi na ako ang dahilan ang dating kailangan ay nagkakai langan ng biglaang palitan
pero laging tandaan, mawala man ang taong inaaalayan,
mananatili ang pagibig ko sa akin hindi mo na kailangan pang pumili pa sa amin batid kong kailanmay di mo ako lilingunin ngunit andito lang ako ano mang oras mo kailanganin, nandito lang ako kung kailan kailangang kailanganin, lahat ay aking gagawin magawa ko lng na muli kang pasiyahin
isa lang isang letra lang ang pinagkaiba nang mga salitang nakaraan at nakalaan pero magkabilang dulo ng kalawakan ang pagitan nang kanilang mga kahulugan , ang alam ko na maaring wala nang kabuluhan para sayo ang mga drama nato kaya wag kang umasa na sabay nang paglayo kaya paglaho nang pagibig ko para sayo nandito lang ako wag kang magalala kaya kong patigilin ang luha ko sa pagtulo kaya kong magisa namapahinto ang mga paang tumakbo sa daang sayo parin patungo pero hiindi ko mapapangako na kaya kong patigilin ang pagmamahal ng pusong ayaw paring sumuko dahil maaring wala ka na nga saaken pero nasayo parin ang aking puso
No insights to show