05/06/2026
😭Hating gabi na nagpapaiyak pa yan sila 😭
💟💟💟 seriously eto talaga💟💟💟
❤️APPRECIATION POST SA MGA MINERS KO ❤️
Maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta sa live ko kahit na paminsan-minsan lang ako mag-live. 🥰
Sa totoo lang, side hustle lang ito para sa akin. Ginagawa ko ito hindi lang para magbenta, kundi para mailabas ko rin ang pagiging madaldal at maingay ko. 😂 Minsan kasi, buong araw tayong nasa bahay at sarili lang natin ang kausap, kaya malaking bagay na may nakakausap at nakakasabay tayong tumawa kahit sa live lang🥹
Pero higit sa lahat, masaya ako sa ginagawa ko. Nakakapagod minsan,literal na pagod ang katawang sanggre ko dito 😅 Pero naniniwala ako na blessing ito ni Lord. Hindi ko na kailangang i-explain nang sobra, pero dahil sa pagmi-mine ninyo, marami rin akong natutulungan at napapasaya🙏 TYL all glory to You.
Kaya hangga’t kaya ko, gusto ko rin kayong mapasalamatan at maiparamdam na mahalaga kayo sa akin. ❤️ Sa simpleng free raffles, freebies, discounts, at murang presyo, gusto kong ibalik kahit papaano ang suporta at pagmamahal na binibigay ninyo sa akin☺️
Apat na taon na tayong magkakasama, at sobrang grateful ako sa bawat isa sa inyo. 🙏 Looking forward sa mas marami pang taon ng kulitan, kwentuhan, tawanan, at syempre, pagmi-mine😍
Sana napapasaya ko kayo hindi lang sa mga items na nami-mine ninyo kundi pati na rin sa walang katapusang kadaldalan ko sa live. 😂
Maraming maraming salamat, mga miners ko! ❤️
Like 👍 Follow ❤️ Share 🔄 na rin ang page natin para mas dumami pa ang ating masayang pamilya!
Love,
Inday Marites Klosets 🛍️💕