SOLE GAME

SOLE GAME Sneaker restoration shop in Marikina

23/04/2026

Liga time na! 🏀 Ibalik ang tibay ng inyong basketball shoes. Panoorin kung paano namin nireglue ang Kobe shoes—may 6-month warranty pa! Game ready na ulit! 💯🔥

23/04/2026

Prada Milano Sneakers👟

✅ Full Reglue
✅ Rubber Outsole Replacement
✅ Cleaning

Punta na sa nearest Sole Game! 💛👌

22/04/2026

Shoe-lution namin para sa pumutok na air bubble ng LeBron shoes—mas matibay at mas long-lasting pa! 💪👟🔥

21/04/2026

Hindi mo na mapanglaro dahil nakanganga na ang swelas? 😬 Panoorin kung paano namin ni-restore ang Kobe 9 para maging game-ready ulit! 🏀🔥👟

Alam mo ba kung saan nagsimula ang lahat?Bago pa maging legend si Michael Jordan isa lang siyang batang nangangarap sa U...
21/04/2026

Alam mo ba kung saan nagsimula ang lahat?

Bago pa maging legend si Michael Jordan isa lang siyang batang nangangarap sa University of North Carolina.

Finals.
Isang tira…
isang moment…
at doon nabuo ang pangalan niya.

Years later, ginawa ang Air Jordan 6 sapatos na sinuot niya noong nakuha niya ang unang NBA championship niya.

At yung UNC colorway?

Hindi lang kulay ‘yan. Paalala ‘yan kung saan siya nagsimula.
Paalala na bago ang fame, may pinagdaanan muna.

Kaya kung meron kang Air Jordan 6 UNC…

Hindi lang yan sapatos.
Kwento yan ng simula, laban, at tagumpay.

Pero aminin natin dumadating sa point na napapabayaan.

Napupudpod ang sole…
kumukupas ang kulay…
hanggang sa hindi mo na siya masuot.

Hindi dahil wala na siyang halaga kundi dahil natatakot ka na masira lalo.

Pero eto yung totoo hindi pa tapos ang kwento niya.

Sa Sole Game, binabalik namin hindi lang ang itsura kundi ang kwento sa likod ng bawat pares.

From wasak na sole... to buo na ulit.

From luma... to parang bago na ulit.

Kasi minsan, hindi mo kailangan ng bagong sapatos…

Kailangan mo lang ibalik yung dati mong pinanghawakan.

Handa ka na bang ituloy ulit ang kwento mo?

21/04/2026

Extend natin ang lifespan ng favorite shoes niyo! 👟✨

Avail our 20% OFF sa reglue service, with FREE basic cleaning plus 6 months warranty sa reglue.

📅 Promo valid until April 30, 2026 lang!

Punta na sa pinakamalapit na Sole Game branch or sa mga drop-off partners namin or message niyo lang kami for shipping options! 📱

20/04/2026

We're Hiring: Sales Representative – Festival Mall Alabang and Parang Marikina Branches 📢

For walk-in applicants, you may apply from 10:00 AM to 2:00 PM only. Please visit us at:
📍 36P. Paterno St., Brgy. Parang, Marikina City

Send your resume or CV to: [email protected] 💛

20/04/2026

Hindi basta-basta ang pagre-restore ng designer shoes—ipagkatiwala mo lang sa pinakamahusay na reglue service! 💛Panoorin kung paano namin ibinalik ang OG look ng Gucci shoes na ito! ✨👟

20/04/2026

Big thanks Sir Nard Pinto sa support! 💯👟

May isang pares ng sapatos…Hindi na siya bago. Medyo kupas na ang kulay, may mga gasgas na rin sa gilid.Pero para sa may...
20/04/2026

May isang pares ng sapatos…
Hindi na siya bago. Medyo kupas na ang kulay, may mga gasgas na rin sa gilid.
Pero para sa may-ari nito, hindi lang siya basta sapatos.

Ito yung ginamit niya sa unang trabaho.
Yung kasama niya sa unang lakad, unang tagumpay…
at kahit sa mga araw na hirap siya, ito pa rin ang suot niya.

Pero isang araw… napansin niya
unti-unti nang naghihiwalay ang swelas.

Parang ang sakit no?
Hindi dahil luma na… kundi dahil parang mawawala na rin yung alaala na kasama nito.

Doon pumapasok ang Sole Game.

Hindi lang basta pandikit ang ginagawa namin.
Sa bawat full reglue, inaayos namin ang pundasyon ng sapatos mo
tinanggal ang luma at mahihinang adhesive, nililinis ng maayos,
at pinapalitan ng sarili naming formulated adhesive na ginawa talaga para sa tibay ng sapatos.

Hindi shortcut.
Hindi basta pahid lang.
Ito ay proseso na sinubok na sa panahon.

Kaya kampante kami magbigay ng 6 months warranty
dahil alam namin ang kalidad ng gawa namin.

Sa Sole Game, hindi lang sapatos ang inaayos namin…
pinapahaba namin ang buhay ng mga bagay na may kwento.

Bakit mo pa papalitan, kung kaya pa naming ibalik?
Bakit ka magtitipid sa murang gawa, kung pwede kang pumili ng tamang presyo para sa siguradong tibay?

Dahil ang sapatos mo hindi lang yan gamit.

Parte yan ng kwento mo.

At kung may dapat pagkatiwalaan…
Nandito ang Sole Game ipagkatiwala mo sa expert.

20/04/2026

Bigyan natin ng second life ang mga sapatos nyo 💛👟

19/04/2026

Address

36 P Paterno Street Parang
Marikina City
1809

Opening Hours

Monday 9am - 7pm
Tuesday 9am - 7pm
Wednesday 9am - 7pm
Thursday 9am - 7pm
Friday 9am - 7pm
Saturday 9am - 7pm
Sunday 9am - 7pm

Telephone

+639175519822

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SOLE GAME posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SOLE GAME:

Share