03/05/2026
10 Self Improvement na dapat mong Focusan
1️⃣ Relationship with the Lord (Spiritual life)
Maglaan ng oras sa dasal, Bible reading, at pag-reflect. Ito ang magiging gabay mo sa decisions at direction mo sa buhay.
2️⃣ Disiplina sa sarili (Self-discipline)
Consistency ang susi. Kahit maliit na habits, basta ginagawa mo araw-araw, malaking bagay na.
3️⃣ Tamang mindset (Growth mindset)
Huwag matakot magkamali, gamitin mo ito para matuto at mag-grow.
4️⃣ Pangangalaga sa sarili (Physical & mental health)
Alagaan ang katawan at isip, tulog, pagkain, pahinga, at pag-iwas sa burnout.
5️⃣ Communication skills
Matutong makinig at magpahayag ng maayos para sa mas healthy na relationships.
6️⃣ Financial literacy
Mag-budget, mag-ipon, at maging responsable sa pera kahit maliit pa lang ang income.
7️⃣ Tamang circle of friends (Environment)
Sumama sa mga taong nag-i-inspire at tumutulong sa’yo mag-grow.
8️⃣ Emotional intelligence
Unawain ang sarili mong emotions at matutong makisama sa iba nang maayos.
9️⃣ Consistency over motivation
Hindi mo kailangan laging motivated, ang mahalaga, tuloy ka pa rin.
🔟 Purpose / clear direction
Magkaroon ng malinaw na “bakit” sa mga ginagawa mo para manatili kang focused.
Kung susundin mo ‘to kahit paunti-unti lang araw-araw, makikita mo talagang mag-iimprove ka over time.