10/03/2025
Hindi ka naging bata kung hindi mo naranasan ang mga ito. ☺️❤️🇵🇭
1. Nauuna pa ang paglalaro mo kesa sa paghihilamos mo.
2. Uuwi ka lang pag nakaramdam ng gutom.
3. Masaya ka pag kakampi mo yung crush mo.
4. Nilalagay mo sa magkabilang braso ang tsinelas kapag tumatakbo.
5. Pinagtripan mo yung dahon ng makahiya.
6. Ginawa mong pera perahan ang candy wrapper (White rabbit, Viva, Kendi mint, Snow bear, Storck. etc.)
7. Nasabugan ka ng bazooka bubble gum sa mukha.
8. Naniniwala kang wala pang 5 seconds pag nahulog yung pag kain mo.
9. Nilagyan mo ng tingting ang buntot ng tutubi.
10. Natutuwa ka pag nakikita mo yung malaking ajinomoto sa highway.
12. Nanghuli ka ng baboy babuyan/kurukya sa buhangin minsan gamit mo pa ang hibla ng buhok.
13. Gumamit ka ng doble karang pamato sa teks.
14. Gumawa ka ng alakansya gamit ang lalagyan ng polbo.
Yung tipong huhulugan sa umaga kukunin din sa hapon.
15. Pinaglaruan mo yung kalembang ni manong habang busy
siya sa pagsalok ng ice cream.
16. Pag may nagbiyak ng niyog inaabangan mo yung buwa/ tumbong.
17. Pag may lagnat ka binibilhan ka ni nanay ng Royal, Aspilet at skyflakes.
18. Binabaligtad mo yung tsinelas kapag upod na yung sakong.
19. Aakyat ka sa puno ng mangga/bayabas tapos may dala kang asin.
20. Nagpapanggap kang nakapikit pag pinapatulog sa hapon.
21. Mas gusto mong maglaro ng taguan at patintero sa ilalim ng maliwanag ang buwan.
22. Naglalaro kayo ng taguan tapos yung kalaro mo umuwi na pala hanap ka ng hanap.
23. Inaani mo ang prutas kahit hindi naman ikaw ang nagtanim.
24. Nakikipag agawan ka ng kulay pag Bioman na ang pinag usapan.
25. Pinagku kwentuhan nyo yung palabas kahit pare pareho nyo namang napanood.
26. Nangarap kang makasakay kay battle hopper at road sector.
27. Alam mo yung kantang "shigi shigi waka shigi uwaaah"
28. Naghanap ng nawawalang tsinelas matapos makinood ng tv sa kapitbahay.
29. Naranasan mong maglakad sa paguwi at pagpasok sa paaralan.
30. Hinahati mo ang papel gamit ang iyong mahiwagang laway.
31. Pumila ka para sa nutri bun.
32. Hinahawakan mo ang apoy ng gasera kase feeling mo astig ka.
33. Gumawa kayo ng bahay bahayan at nagluto gamit ang lata kasama ang mga kaibigan.
34. Nag drive at nakipag karera ka gamit ang lumang gulong.
35. Nakipag barilan gamit ang armas na gawa sa parte ng punong saging.
36. Nag ala tarzan sa nakalaylay na sanga ng puno.
37. Bida ka sa tumbang preso pag rambo ang tsinelas mo.
38. Nakipag paunahan ka sa title ng commercial.
39. Natakot ka sa banga sa paniniwalang may halimaw ito sa loob.
40. Namingwit ka ng isda at palaka.
41. May kakayahan kang manood ng tv habang nakatakip ang mata kapag horror ang palabas.
42. Naihi ka sa banig.
43. Minaneho mo at ginawang manibela yung bilog na bakal sa ilalim ng makinang panahi.
44. Nag enjoy at sinubaybayan mo ang: "Bioman, Shaider, Maskman, Mask rider black, Jetman, Machine man, Ultraman, Magma man, Voltes V, Voltron, Mazinger Z, Tom sawyer, Julio at Julia, Nelo, Snow white, Bananas in pajamas (B1 at B2), Cedie, Princess sarah, Peter pan, Zenki, Hiraya manawari, Batibot, Bayani at Sineskwela. Atbp.
Mga simple at napaka sayang alàala ng ating kabataan na kaysarap gunitain at balikan.
image © CTTO