30/04/2026
Akala ko dati,
madali lang ang lahat—
parang laro sa hapon,
takbo lang nang takbo,
tawa lang nang tawa.
Akala ko noon,
pag tumanda ka,
hawak mo na ang mundo,
alam mo na ang sagot
sa bawat bakit.
Pero habang lumalaki,
mas bumibigat ang bagaheng pasan.
May mga pangarap palang
hindi sapat ang sipag,
may mga laban palang
hindi nadadaan sa tapang.
Ngunit heto pa rin tayo.
Sugatan minsan,
pagod madalas,
pero bumabangon pa rin.
Dahil siguro,
hindi naging mas mahirap ang buhay—
mas naging totoo lang ito
habang tayo’y tumatanda. 🫠
*** Mark Nieto 04/29/26