01/01/2023
❤️ Welcome 2023 ❤️
Salamat sa tiwala, salamat ng sobra. Di man po namin kayo mapasalamatan lahat sa personal e maraming salamat po sa tulong nyo.
Sa tuwing makikita po namin message nyong nagandahan kayo at nakikita namin kayong masaya sa naging resulta ng pagawa nyong mga damit e nakakawala po ng pagod. Kahit pagod, kinukulang sa oras, kulang sa manpower, masaya po ang buong staff namin kapag nakikita namin kayong nagustuhan nyo ng sobra ang mga gawa namin.
QUALITY - kayo po mismo ang patunay at nagsabi samin na ang ganda ng pagkakagawa from tshirt to printing pero bakit mababa pricing namin. Okay na po kami sa mababang tubo. Mas okay kami sa maliit na tubo pero madaming order. minsan pa nga sa sobrang bait namin e halos bigay nalang namin yung tshirt HAHAHA pero okay lang po as long as nakikita naming matutuwa kayo sa result.
Alam po namin may mga na-disappoint kami sa mga nagpagawa before. May kulang sa design, hindi pantay, mali yung sizes, mali yung color. Hindi po mawawala yon sa start up business lalo na at karamihan po sa mga staff namin ay student pa lang at yung iba may mga trabaho. Sobra po ang paghingi namin ng sorry sa mga kakulangan namin. Gaya po ng sabi namin sa ibang customer pag may mali sa sizes or may mali sa design e willing po kaming palitan yung mga may damage. Pag alam po namin na fault namin, papalitan po namin yung shirt 😊
Nagsimula kaming hirap sa lahat. Walang enough na oras para gawin mga orders, walang gagawa, walang control sa stocks, walang computations, walang inventory na nagaganap. In short - wala sa ayos. Pero sa tulong ng mga nakapaligid samin, mga concern ng mga umoorder, mga tanong na di namin kayang masagot dati at lalo na sa mga pagkakamali naming nagawa. Ngayon ay kaya na naming i-handle. Salamat sa lahat ng tulong nyo. Di po kami maggo-grow kung hindi po dahil sa inyo 😭
From 20+ orders to thousand orders ☝️
Maraming maraming salamat sa patuloy na pag suporta samin.