26/05/2023
LIHAM SA PAG-ASA NG BAYAN ♡
Mga minamahal,
Nais kong magpasalamat sa inyong natatanging suporta sa akin. Napakalawak ng inyong pang-unawa. Sa tagal ng hiningi kong panahon para tapusin ang bawat pahina, hindi kayo napagod maghintay. Sa bawat rason na aking nailahad, ako'y inyong inunawa at mas binigyan ng pagkakataon. Malaking bagay sa akin ang maging bahagi ng inyong mga buhay. Alam kong sa pamamagitan ng mga produktong ito, magkasama nating maipararating sa bawat tao, na hindi pa huli ang lahat para mas pahalagahan natin ang pinakamahalaga- ang kalikasan. Sana sa bawat segundo, tayo ay magkaisa at patuloy na matuto. Samahan ninyo ako sa aking lakbayin. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa ating butihing g**o, Ginoong Ronald Monoy Basco . Siya ang naging tulay upang ang Emvelo ay mapalapit sa inyo. Hindi matatawaran ang kanyang suporta sainyo at sa akin. Maraming Salamat, Ginoo.
Salamat sa inyo. Dadalhin ko hanggang sa aking huling hininga, na minsa'y nakilala ko kayo. Nais kong pasalamatan ang mga taong tumulong sa akin sa katagumpayang ito. Salamat Ginoong Ian, Binibining Lizamel at Ginoong Jerome, Ginoong James, sa aking butihing ina, Ginang Liza at sa aking butihing ama, Ginoong Rommel. Maraming Salamat din Binibining Joy at Ginang Judy Anne, Ginoong Mark Joseph at sa aking pinakamamahal na lola, Ginang Lydia. Maraming Salamat Ginoong Joel at sa lahat ng kasama ko sa T-O Compound. Maraming Salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin sa lakbaying ito.
Higit sa lahat, salamat sa Panginoon. Siya ang pinakamahalaga para sa akin. Sa Kanya ko ibinabalik ang lahat ng papuri at karangalan♡
Muli, Salamat mga mag-aaral sa King Thomas Learning Academy. Sa lahat ng nasa ika-pito at ika-walong baitang. Mahal kayo ni Ginoong Ronald.
Nagmamahal at nagpapasalamat,
AR.T ng Emvelo.ph
( ◜‿◝ )♡
Pagpalain nawa kayo ng Panginoon ( ◜‿◝ )♡