13/01/2022
Walang hanggang pasasalamat po sainyo mga madam, sobrang nakakataba ng puso po.💖💖💖 lalo yung may mga gantong comment alam ko simple lang sa ibs ito pero para sakin sobrang nakakatuwa na appreciate nyo yung simpleng effort ko sa mga damit na nakukuha nyo sakin. Sobrang nakakataba talaga ng puso.😍🥰💖 Yes mga madam mabango yung UKAY na makukuha nyo po sakin kasi wash and ready to wear na po yun pero syempre nasasainyo din kung lalabhan nyo pa po ulit, gusto ko lang po talaga na maayos at malinis yung makukuha nyo mula sakin, dahil isa din akong buyer.😊
Sobrang salamat po sa lahat ng nag mine, nag share, nag like, nag heart at nanuod sa live ko super mahal ko kayong lahat at salamat din po lord sa lahat lahat ng biyaya walang katapusang pasasalamat po panginoon.😍😍🥰🥰💖💖
Flex ko lang din ang anak ko yes mga madam anak ko yan, hindi ko sya inutusan o sinabihan na gawin nya yan pero sobrang proud ako sa anak ko, kasi tinutulungan nya ko oo simple lang yan sa iba pero sakin sobrang laking tulong na nyan sakin kasi nakakapagod din talaga mag live ilang oras ka kuda ng kuda nakakangawit sa likod, balakang, balikat. Pero masaya ako sa ginagawa ko.💖💖💖 Proud si mommy sayo Kuya, napapagalitan man kita kasi medyo matigas na ulo mo pero love na love ka ni mommy😘💖 para sainyo lahat ng ginagawa ni mommy.💖💖
Flex ko din itong bunso ko apaka sweet naman talaga😍💖 hilot hilot mommy, kahit ang masakit sakin ay likod hala sige hilot ang ulo ni mommy💖😅 babait naman ng mga anak ko💖💖💖 love na love kayo ni mommy😘😘💖💖💖
Kaya mga madam sobrang salamat sainyo sa walang sawang pag mine sa mga tinda ko🥰😉 More mine and budols to come.😁🥰💖
Sending invoice Later mga madam Mommy duty muna.🥰💖