CARPE DIEM Concepts

CARPE DIEM Concepts Designed & made by passionate & hardworking Filipino hands. We are more than just a clothing line. WE ARE A LIFESTYLE. A PASSION. A PURPOSE. A MOVEMENT. AN ADVOCACY.

PROUDLY DESIGNED & MADE BY PASSIONATE & HARDWORKING HANDS OF FILIPINOS FROM THE *NORTH.

14/08/2026

ORBIT
14.08.2026 | 16.57

Minsan, masyado tayong nadadala sa mabilis na pag-ikot ng mundo kaya pakiramdam mo ay naiiwan ka ng panahon—na tila ba hindi mo alam kung saang direksyon ka dapat patungo.

Nalilito at nahihilo sa lahat ng bagay na mabilis na umiikot sa iyong paligid, dahilan upang labis kang mag-alala at mangamba para sa kinabukasan, kaya hindi mo na nae-enjoy at napapahalagahan ang NGAYON.

Palaging ikinukumpara ang sarili sa iba na para bang napag-iwanan ka na at mas malayo na ang kanilang narating.

​Sa halip na mabahala at matakot, kailangan mo lang huminga ng malalim, magdahan-dahan at mapagtanto na mayroon kang sariling timeline, sariling takdang panahon na natatangi para lamang sayo.

Hindi ka dapat malito dahil ang kailangan mo lang namang gawin ay patuloy na humakbang pasulong, gaano man ito kabagal o kakumplikado.

JUST KEEP MOVING FORWARD.

13/08/2026

LUMAYAG KA!
12.08.2026 | 11.23 PM

Tumingin ka sa dagat.
Malawak.
Walang kasiguruhan.
Walang pangako.
Ganyan din ang buhay natin ngayon.
Maraming takot, maraming duda.
Hindi mo alam kung may huli ka ba, o kung may naghihintay nga ba sa 'yo sa gitna ng kawalan.
Pero masdan mo ang mangingisda.
Alam niya ang panganib.
Alam niya ang bangis ng alon.
Pero mas alam niya ang isang simpleng katotohanan:
Walang mangyayari kung mananatili lang siya sa pampang.
Isang daang porsiyentong sigurado na walang huli...
kung nakatitig ka lang sa tubig.
Kaya hawakan mo ang sagwan.
Itulak mo ang bangka.

LUMAYAG KA!

Ang pananampalataya ay hindi ang kawalan ng takot.
Ito ay ang lakas ng loob na harapin ang unos dahil alam mong ang tunay na kabiguan ay ang hindi man lang pagsubok.
Huwag kang matakot sa walang kasiguruhan; matakot ka sa buhay na walang patutunguhan dahil natakot kang magsimula.
Iwanan mo ang pampang.
Harapin mo ang dagat.
Dahil ang tagumpay ay hindi ibinibigay sa mga naghihintay.
Ito ay ibinibigay sa mga may lakas ng loob na lumayag.
Bumangon ka at sumubok muli...
NGAYON.

Address

Narvacan
2704

Telephone

+639166614448

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CARPE DIEM Concepts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to CARPE DIEM Concepts:

Shortcuts

Share