12/09/2025
Nung elementary ako (Patty), narinig ko yung teacher ko na may project daw kami na "Mini Zoo".
Bilang isang excited na estudyante, sinabi ko agad yun sa Lolo't Lola ko pag-uwi nung breaktime.
(Yung Lolo ko kasi hands-on sa mga project ko HAHA) Tapos sinabi ko din kay Papa.
Tinanong nila ko kung kailan ang pasahan pero di ko alam.
Agad-agad kong inasikaso yung project, bumili ng styro na malaki at nangupit. ๐ซข
(NAG-GUPIT PALA...)
Nag-gupit na ko ng mga picture ng mga hayop mula sa mga lumang libro at magazine.
Mga ilang araw na lumipas ay natapos ko na yung "PROJECT". Ready to submit ika nga.
Ang ipinagtataka ko, bakit parang ako lang ang gumawa. Walang usapan yung mga classmate ko at magulang nila tungkol doon na madalas naman naming ginagawa.
Ending?
Wala palang ganon na project.
"GHOST PROJECT" lang pala.
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin kung anong sumanib sakin at narinig ko yon at kung bakit ginawa ko agad ng hindi naman formal na inannounce sa klase ๐
Kayo, anong kuwentong GHOST PROJECT nyo?