For His / For Her Clothing Shop

For His / For Her Clothing Shop Preloved clothes carefully handpicked, washed and sanitized. For His and for Her�

31/01/2022
07/01/2022

Kaibigan, tiyak mo na ba ang Langit?

PWEDE NATING MATIYAK ANG LANGIT

Kaibigan, naisip mo na ba na maikli lang ang ating buhay? Anumang oras, maaari nating iwanan bigla ang mga tao at ang mga bagay na mahalaga sa atin. Ngunit ang higit sa lahat ay ang malaman mo kung saan ka pupunta sa kabilang-buhay. Ang tanong ko ngayon, tiyak mo na bang sa Langit ka pupunta?

Kaibigan, kailangan mong mabatid muli na may mga kasalanan tayong nagawa sa Diyos. “Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Roma 3:23). Dahil sa ating mga kasalanan, hindi tayo nararapat na pumasok sa kaluwalhatian ng Langit.

Bakit? “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” (Roma 6:23). Ang kamatayang tinutukoy dito ay ang walang hanggang kaparusahan sa impiyerno, ang ikalawang kamatayan (Pahayag 21:8). Kaibigan, pababayaan mo lang ba ang iyong sarili na napapahamak mapunta sa impiyerno pagdating sa kabilang-buhay?

May pag-asa ba tayong maligtas? Meron, kaibigan. Sapagkat binayaran ni Hesus ang lahat ng ating mga kasalanan (Hebreo 10:12). Ang mga kasalanang dapat mong pagbayaran sa impiyerno ay binayaran na ni Kristo doon sa krus ng Kalbaryo. Ginawa Niya iyon dahil sa Kaniyang dakilang pag-ibig para sa iyo. “Datapuwat ipinakita ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin, na nang tayo’y makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.” (Roma 5:8).

Ngayon, iisang bagay na lang ang inaantay ng Diyos sa iyo. Iyon ay ang iyong desisyon. “Kung ipapahayag mo sa iyong bibig si Hesus bilang Panginoon, at sasampalatayanan mo sa iyong puso na Siya’y muling binuhay ng Diyos mula sa mga patay, ikaw ay maliligtas.” (Roma 10:9). Bigyan mo ng puwang sa iyong buhay ang sakripisyong ginawa ni Kristo para sa iyo. Kung handa ka nang sumunod sa Kanya at tanggapin Siya sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas, maaari kang maligtas ngayon. “Sapagkat ang sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” (Roma 10:13).

Manalangin ka ng ganito: “Panginoong Hesus, tinatanggap ko po na ako’y isang makasalanan at napapahamak sa impiyerno. Subalit ako’y nagpapasalamat na Kayo’y namatay, inilibing, at muling nabuhay para sa lahat ng aking mga kasalanan. Patawarin Niyo po ako sa aking mga pagkakasala. Tinatanggap ko po Kayo sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Salamat po sa kaligtasang bigay Ninyo sa akin. Amen.”

Kaibigan, kung tunay ang iyong pagtanggap, ikaw ngayon ay anak na ng Diyos. “Datapwat ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap ay pinagkalooban Niya ng kapangyarihang maging anak ng Diyos, samakatuwid ay ang mga sumampalataya sa Kaniyang pangalan.” (Juan 1:12).

Ngayong ligtas na tayo, kung tayo ay magkakasala pang muli, bilang mga anak ng Diyos, nararapat lang na tayo ay Kanyang parusahan (Hebreo 12:5-6). Ngunit dahil tayo ay mga anak, nararapat lang na tayo ay humingi ng tawad, at umuwi pa rin sa Kanyang tahanan. Maaari pa rin nating matiyak ang Langit.

Kaibigan, maraming salamat sa oras na iyong nilaan para basahin ang mensaheng ito. Nawa’y ngayon ang simula ng iyong pagbabago. See less

Address

Ramos Street Countryside Village San Rafael 2
Noveleta
4105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when For His / For Her Clothing Shop posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share