04/12/2021
"LOLA, KAIN NA PO." ani ko, natanaw ko kasi kanina sa baba na naghahain na sila.
"Hoy! bumaba na kayo ni nanay!" Sabi ni Tiya Cora. "Sige po!" Masayang tugon ko. Bukod kasi sa kumpleto kami, ay kaarawan pa ni lola. Dali-dali kong ginising si lola, maghapon kasi siyang natutulog. Pagbaba namin, walang handa. Walang cake o kahit pancit man lang. Pag-upo namin, tahimik ang lahat.
Habang tahimik na kumakain, isang malakas na bagsak ng kubyertos ang naging dahilan upang mapaangat ang tingin namin kay Tiya Linda. "Hindi ko na kaya 'to. Hindi na kaya ng puso ko ang makisalamuha sa hapag kainan kasama ang apo sa labas at ang isang palamuning ina."
Tinignan ko ang reaksyon ni lola at makikita mo sa kanyang mga mata ang sakit at luhang pinipigilan niyang ilabas. Mula noon, hindi na naging masaya ang buhay namin.
"Ikaw! Dalhin mo na ang lola mo roon!"
"P-Po? A-Ano pong ibig niyong sabihin--"
"Aba't ano pa?! Malamang ay doon na kayo sa bodega matutulog! Pasalamat ka nalang at hindi ko kayo pinalayas ano!"
Masakit man isipin, ngunit dito sa bodega na kami nanatili ni lola. Hindi kami dinadalhan ng pagkain o tubig. Kinakailangan ko pang tumakas para lang masuplayan si lola.
Mahina na ang lola ko, dahilan kung bakit naiinis sina tita. Hindi na nila ito mapakinabangan. Dahil sa katandaan, nararapat lang na alagaan siya biglang pagtanaw ng utang na loob sa pagpapalaki niya sa kanyang mga anak.
Pero hindi...
Tinatawag pa nila itong palamunin.
Isang araw, nalaman nila tiya na pumupuslit ako para kumuha na kaunting pagkain. Naririnig ko na ang mga yabag nila dahilan para mas bumilis ang tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim, inihanda ko ang aking sarili para sa mga posibleng mangyari pagpasok nila rito sa kusina.
Marahas na bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang apat na anak ni lola. Dahil doon, mas kinabahan ako. Kinaladkad ako ni Tita Cora papuntang salas at doon ako pinagsasampal.
"Salot ka sa pamilyang ito! Dapat nagsama nalang kayo ng nanay mong walang silbi! Ka