10/03/2026
Breaking: Dalawang negosyanteng drug pusher arestado sa Lanao Del Sur, 3 kilo ng shabu nasamsam!
Timbog ang dalawang indibiduwal na high value target o HVT sa ikinasang drug buybust operation ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-PROBAR) katuwang ang iba't ibang unit ng LDSPPO, RMFB14A, PDEG, Picong MPS at PDEA BARMM kung saan tatlong kilo ng hinihinalang shabu nasamsam alas 7:30 umaga kanina March 9 sa Barangay Maladig, Picong, Lanao del Sur.
Kinilala ni RDEU/RSOG, Chief, PLTCOL. Tan Bulaglag ang mga suspek na sina Ben Paidumama alyas Ben, 54 anyos, negosyante taga General Trias, Cavite at Markie Abag, 46 anyos, negosyante, residente sa bayan ng Talitay, Maguindanao del Norte.
Ayon sa report, nagkakahalaga ng โฑ20,767,200.00 ang mga drogang nakumpiska na may timbang 3,054 grams.
Bukod dito, narekober din ng operating team dalawang ID at isang genuine 500 pesos money na nakapatong sa 500,000 boodle money na ginamit sa transaksyon.
Hawak rin ng RDEU ang isang Gray Toyota Furtuner na may plate no. NDB 6952 na pinaniniwalaang sinakyan ng mga suspek sa palitan ng items.
Nasa jail facility na ng Picong MPS ang mga suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA9165 na isasampa laban sa mga ito