23/11/2019
O Kristong haring marangal, kaligtasa nami't buhay,
pagpupuri't pagpupugay, sa'yo'y aming iniaalay!
Kaharia'y itatanghal sa bawat tahana't bayan,
pagka't tanging sa'Yo lamang kaligtasa'y matatagpuan!
Sa'Yo't sa iglesiang hirang, puso nami'y nalalaan,
ngayo't sa kabilang buhay,magdidiwang n walang humpay!
Christus Vincit! Christus Regnat! Christus Imperat!
Christus Vincit! Christus Regnat! Christus Imperat!
Chat Conversation End
Type a message...