2Good LifeN'Style

2Good LifeN'Style YOUR TRUSTED SOURCE FOR STREET ESSENTIALS 2GOOD MANILA-PHIL

Maging aware ka sa mga advantages mo — kahit maliit pa yan.Napapansin ko, ang mga taong naliligaw o nauuwi sa fu**ed up ...
25/02/2026

Maging aware ka sa mga advantages mo — kahit maliit pa yan.

Napapansin ko, ang mga taong naliligaw o nauuwi sa fu**ed up na situation, madalas yun yung mga hindi marunong magpasalamat…

o masyadong tanga para ma-recognize yung blessings na nasa harap na nila.

May mga dati akong nakasama — magulo na talaga ang life nila, pero naging kaibigan nila ako…

Kung tutuusin, puwede sana akong maging ticket nila palabas sa poverty nila, kasi madalas may dumarating sa akin na iba’t- ibang opportunities.

Pero sinayang nila.

Di nila inalagaan yung friendship.
Yung iba, tiningnan pa akong kalaban.
Yung iba, kinain ng inggit.
Yung iba, nagalit sa sarili kong success.

At ngayon, hindi na nila ako kaibigan.
At malamang, alam din nila sa sarili nila… na kung connected pa rin kami ngayon, mas maganda sana ang buhay nila.

So…

Kung may advantage ka, alagaan mo.
Baka yun na ang last na alas mo — pero tinapon mo lang kasi nagpa-stupid ka.
-BNK

Pag umaangat na level mo, minsan may mga araw parin na biglang magiging feeling down ka at parang mapapaisip kung marara...
24/02/2026

Pag umaangat na level mo, minsan may mga araw parin na biglang magiging feeling down ka at parang mapapaisip kung mararating mo ba talaga yung level na gusto mong marating sa buhay…

Pero somewhere out there, hindi mawawala ang mga tao na pinagmamasdan ka at lowkey nae-elib sayo. Yung iba napapaisip din kung paano ka nakarating sa current na level mo ngayon.

Ang point ay, sa panahon na nagkakaroon ka ng doubt sa sarili mo, meron paring mga tao na naglo-look up sayo.

So, the hustle must go on 🔥

May ibang tao na gusto kang umangat. Masaya sya kapag nananalo ka. Alam nyang kapag lumakas ka, madadamay din sya in som...
24/02/2026

May ibang tao na gusto kang umangat. Masaya sya kapag nananalo ka. Alam nyang kapag lumakas ka, madadamay din sya in some way.

May mga tao naman na tahimik lang pag nanalo ka. Hindi sya komportable sa “shine” mo. Mas okay sa kanya na pare-pareho lang kayo ng level.

Mag-ingat ka sa circle mo.

Kasi minsan, hindi ka naman kulang sa potential…

mali lang ang energy ng nasa paligid mo.

Kung kinalulungkot mo na hindi ka pinanganak na merong rich parents… ibig sabihin ungrateful kaThe fact na pinanganak ka...
23/02/2026

Kung kinalulungkot mo na hindi ka pinanganak na merong rich parents… ibig sabihin ungrateful ka

The fact na pinanganak ka sa mundong ito ay OKAY na

With or without rich parents, ang importante napanganak ka

Kung wala kang advantages sa life, yes kailangan mo mag work smarter & harder kumpara sa iba

Pero at least may chance na umangat ka kasi nga BUHAY ka

Celebrate dahil buhay ka

Yung iba nga patay eh

Ang isa sa way para maangat mo ang confidence mo ay wag ka magsalita negatively about sa sarili moKunyari ang usapan ay ...
23/02/2026

Ang isa sa way para maangat mo ang confidence mo ay wag ka magsalita negatively about sa sarili mo

Kunyari ang usapan ay about sa pag-aayos ng tulog

Wag mong sasabihin pag ikakahina mo tulad ng…

“Hindi ko kayang bumangon ng maaga eh”

Ang sabihin mo dapat…

“Sige aayusin ko na tulog ko, hindi na ako magpupuyat. Madali lang sakin yan.”

Maging ikaw ang sarili mong cheerleader

I-program mo ang sarili mo gamit ang positive and nakakadagdag power na words

Gets?

6 months straight just making money and gym…Malaki talaga ang magbabago sayo.Maybe hindi parin mag level up ng todo ang ...
22/02/2026

6 months straight just making money and gym…

Malaki talaga ang magbabago sayo.

Maybe hindi parin mag level up ng todo ang pera mo…

BUT

Yung character mo sa laro na ‘to ay siguradong magle-level up

Magiging handa na sya para sa mga next na stages ng hustlin’

Plus mapapansin mo talaga ang pinagkaiba mo sa mga taong hindi nagco-concentrate sa hustle and gym

Masusupotan ka sa kanila.

Mas may suffering ka pa dyan sa imagination mo kaysa sa realityKung ano-ano iniisip moNapapaandar ka ng takot & doubts m...
21/02/2026

Mas may suffering ka pa dyan sa imagination mo kaysa sa reality

Kung ano-ano iniisip mo

Napapaandar ka ng takot & doubts mo

Pero kung babalik ka lang sa reality, wala namang nangyayaring masama

Sinasaksak ka ba ngayon ng ice pick? Hindi diba

Wala ka na ba talagang time para masabing fu**ed up na ang buhay mo? Hindi diba

Ibig sabihin all good lang ang lahat

Minsan masyado mo lang pinapatulan ang sinasabi ng utak mo kaya ka “nahihirapan”

Pero kung tutuusin, may pagkain ka naman at may matutulugan mamaya

Iho kalma ka lang.

Pwede kang malagay sa alanganin pag iniisip mo na mapapaligaya ka ng…PeraBabaeAchievementsFame Material thingsEtc…Dapat ...
21/02/2026

Pwede kang malagay sa alanganin pag iniisip mo na mapapaligaya ka ng…

Pera
Babae
Achievements
Fame
Material things
Etc…

Dapat walang pinanggagalingan ang ligaya mo

Kasi kung meron…

Paano pag nawala yung source ng ligaya mo?

Edi basag ka.

Dapat sa “default” palang masaya ka na

Kahit walang reason dapat goods ka

Para walang makakabasag sayo.

Paano mo mahahanap ang purpose mo?Kailangan mong lumabas ng bahay.Hindi mo mahahanap ang purpose mo kung lagi kang nasa ...
21/02/2026

Paano mo mahahanap ang purpose mo?

Kailangan mong lumabas ng bahay.

Hindi mo mahahanap ang purpose mo kung lagi kang nasa kwarto.

Mahahanap mo ang purpose mo sa experience — sa trial and error, sa wins and fails, sa lahat ng s**t na natutunan mo along the way.

- Try new things

- Meet different kinds of people

- Lagay mo yung sarili mo sa mga situations na hindi ka sanay

- Mangolekta ka ng lessons

At wag mong madaliin.

Yung iba, nakikita na ang purpose nila sa 20s. Yung iba, sa 30s or 40s pa.
Normal lang yun.

Ang importante, gumagalaw ka.

Hindi ka nagtatago.

Hindi mo binabasa lang sa libro o pinapanood sa YouTube… naglalaro ka mismo sa totoong buhay.

Hindi kakatok ang purpose sa pinto mo.

Si experience ang mag ga-guide sayo papunta sa purpose.

MAGANDANG ARAW! 🌞

Yang mga trending na ingay sa social media…TsismisBeefIssuesScandalsetc…Itrato mo lang yan na parang masamang panaginipH...
19/02/2026

Yang mga trending na ingay sa social media…

Tsismis
Beef
Issues
Scandals
etc…

Itrato mo lang yan na parang masamang panaginip

Hindi mo kailangan seryosohin yan

Hindi mo din kailangan mag participate

Hindi mo kailangan mag react

Balik ka agad sa grind mo

At i-enjoy mo lang ang tahimik mong buhay

Wag mo hayaang makapasok ang mga basura sa utak mo

24/06/2025

🥷💯

Address

Parañaque City
Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 2Good LifeN'Style posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share